BUMABA ang halaga ng piso at bumalik sa P52 per dollar makaraang itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation forecasts nito sa kabila ng policy decision na taasan ang interest rates.
Ang local currency ay humina ng 39 centavos upang magsara sa P52.19:$1 mula sa P51.80 noong Huwebes.
“The peso weakened today after the BSP rate hike euphoria seen yesterday fizzled out and concerns over inflation re-emerged after higher BSP inflation estimates for 2018 and 2019,” wika ni Michael Ricafort, head of economics division ng RCBC.
“Higher inflation tends to weigh on peso sentiment,” sabi pa niya.
Noong Huwebes ay nagpasiya ang central bank sa pamamagitan ng policy-setting Monetary Board nito na itaas ang overnight borrowing rate sa 3.25 percent mula sa 3 percent sa gitna ng alalahanin hinggil sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
Itinaas din ng board ang overnight lending rate mula sa 3.5 percent at ang overnight deposit rate mula sa 2.5 percent.
Sa pinakabagong inflation forecasts, ang inflation rate ngayong taon ay maitatala sa 4.6 percent mula sa naunang pagtaya na 3.9 percent.
Para sa 2019, ang inflation ay inaasahang aabot sa 3.4 percent mula sa naunang forecast na 3 percent.
Comments are closed.