(Hanggang Hulyo) IMPORT BAN SA SIBUYAS PALALAWIGIN

PLANO ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na palawigin ang ban sa pag-angkat ng sibuyas dahil nananatiling matatag ang suplay ng lokal na sibuyas sa bansa.

 Noong Enero ay sinuspinde ng DA chief ang importasyon ng sibuyas hanggang Mayo upang maiwasan ang pagbaha ng suplay sa merkado.

“We will extend ban on onion importation maybe until July or longer. Cold storages in onion producing areas are full, and prices are stable. So, there is no reason to import,” sabi ni Sec. Tiu Laurel.

Una na ring sinabi ng DA na inaasahan nito ang pagsipa sa lokal na produksiyon ng sibuyas dahil na ring tumaas sa 40% ang mga lupaing napagtamnan ng sibuyas noong 2023.

  “Right now, onion prices are fair. In Balintawak, red onions are selling for P60 to P70, and white onions for P60. When I started at the DA, prices were much higher at P140 or P120. Thankfully, prices have stabilized now,” sabi ni Tiu Laurel.

Aniya, maaaring magpatuloy ang ban sa importasyon ng sibuyas depende sa dami ng lokal na suplay ng mga magsasaka, lalo at ang presyo nito sa ngayon ay nananatiling matatag.

Dagdag pa ng kalihim, binabantayan niya ang  presyo ng mga pagkain at mga produkto ng agrikultura sa mga palengke upang makita niya  kung alin sa mga ito ang tumataas  o bumababa ang presyo.

“I monitor them personally in case of any spike in prices which would either mean lack of supply or unscrupulous trader, then we will active importation if needed,” sabi ni Tiu Laurel.

Tiniyak niya na binabantayan ng ahensiya ang anumang ulat ng smuggling o illegal activity sa pagpasok ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.

Samantala, sa kasalukuyan, aniya, ay may test selling ang industriya ng agrikultura na maibenta sa halagang P29 lamang ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga piling outlet.

“We started selling last week, but the problem is, it’s easily sold out. Of course, when people know about the cheaper options, they flock to buy. Right now we’re identifying our practical limits; like how we’re many we’re going to sell or distribute. This is all in its testing phase….After a month or two if we don’t see any issues and operational challenges, hopefully, we can increase our product and help the less fortunate to buy,” sabi pa ni Tiu-Laurel.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia