(Hangga’t nasa pandemya ang bansa) TULOY-TULOY NA BENEPISYO SA HEALTHCARE WORKERS

Sonny Angara

NAKATAKDANG talakayin ng Senate Committee on Finance sa plenaryo ng Senado ang panukalang sisiguro sa patuloy na pagpapatupad sa mga benepisyo ng public and private healthcare workers base sa iniaatas ng Bayanihan laws.

Ito ay ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng naturang komite na upang mapagtibay ang nilalaman ng Bayanihan 1 and 2 laws na kahit expired na ang mga nasabing batas ay tuluy-tuloy pa rin ang implementasyon sa mga naturang benepisyo.

Reresolbahin ng Se­nate Bill 2371 na kapwa isinusulong nina Angara at Senador Richard Gordon ang usapin hinggil sa legalidad ng tuloy-tuloy na implementasyon ng healthcare workers be­nefits.

Ani Angara, bilang chairman ng finance committee at sponsor ng RA 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Ba­yanihan 2), malinaw aniyang isinaad nila sa batas na kahit expired na ang Bayanihan laws ay hindi kasamang magpapaso ang tinatanggap na buwanang SRA o Special Risk Allowance ng healthworkers. Malinaw ding nakasaad na hangga’t hindi binabawi ni Pangulong Duterte ang deklarasyon nito ng national public health emergency ay magpapatuloy ang pagpapatupad ng nabanggit na benepisyo.

Mariin ding sinuportahan ni Senador Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang naturang panukala. Mababatid na patuloy na dinidinig ng komite ni Gordon ang iba’t ibang usapin na kinasasangkutan ng Department of Health.

“Kinikilala natin ang matinding serbisyo ng healthworkers natin ngayong panahon ng pandemya. Buong buhay nila, iniaalay nila para lamang makatulong sa                    ating mamamayan. Hindi na nila alintana ang pa­nganib, makapagsilbi lang. Ang kabayanihan nilang ito ay dapat lamang na kilalanin ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsiguro sa kanilang mga benepisyo,” ani Angara.

Binibigyang-diin ng pa­nukala ang patuloy na pagkakaloob ng mga benepisyo sa private and healthworkers tulad ng COVID-10 SRA at active hazard duty pay kada buwan; life insu­rance, accommodation, transportation and meals allowance anuman ang nakataas na community quarantine status; at ang kompensasyon para sa mga healthworkers na tinamaan ng COVID habang nasa active duty.

Nakasad sa batas na kung papanaw ang isang aktibong healthworker, tatanggap ng kabuuang P1M ang mauulila nitong pamilya. Ang nasabing tulong pinansiyal ay kaila­ngang maibigay sa pamilya ng namatay nang hindi lalagpas ng tatlong buwan; para naman sa mga tatamaan ng severe COVID, sila ay makatatanggap ng P100,000 financial assistance, habang ang mga nagkaroon naman ng mild to moderate COVID ay may financial aid na P15,000.

Ang pagpapatupad ng mga benepisyong ito ay mananatili hangga’t hindi binabaklas ng Punung-Ehekutibo ang pagpapatupad nito ng national emergency.

Ang pondo para sa mga nasabing benepisyo ay magmumula sa DOH appropriations. VICKY CERVALES

6 thoughts on “(Hangga’t nasa pandemya ang bansa) TULOY-TULOY NA BENEPISYO SA HEALTHCARE WORKERS”

  1. 343113 27301Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in the event you continue this in future. Lots of individuals will be benefited from your writing. Cheers! xrumer 861805

Comments are closed.