ISANG buwan na ring nagsimula officially ang summer matapos ang Semana Santa. Napakainit kaya’t ang ilan ay lumipad pa¬tungong HK, Korea o Japan – depende sa naku¬hang promo. Pinalad tayo na mapadako sa Holy Land at mabawtismuhan bilang pagtanggap kay Hesus sa Jordan River. It was an exhilarating ex¬perience! Inilublob kami sa umaagos na ilog na kulay putik. The same river ni John the Baptist at Jesus Christ. Nakamamanghang ma-realize na ang buhay ay higit na maganda at makabulu¬han kung iniaalay ito sa ngalan ng Diyos. Sa mga naglagi naman sa Pilipinas ay pumila ang marami sa The Avengers Infinity War. Sila nga ba ang tunay na super hero na dapat iniidolo?
The World Health Or¬ganization (WHO) and its partners, including the World Heart Federa¬tion (WHF), mark May as World No Tobacco Celebration to highlight the health and other risks asso¬ciated with tobacco use and advocate for effective poli¬cies to reduce tobacco con¬sumption. Bagama’t may batas na patuloy pa rin ang impluwensiya ng sigarilyo. Marami kasi sa mga negos-yante ang inuuna ang kita kaysa kapwa. Numero uno pa rin sa sakit na kanser ay sa baga. Isa ang ating baga sa pinakamahalagang organ ng ating katawan. Dahil sa ating baga, tayo po ay na¬kakahinga ng maayos.
PAG-AALAGA NG BAGA
- Huwag manigarilyo -Ang paninigarilyo ang tinuturing na pangunahing sanhi ng ilang mga sakit gaya ng kanser at COPD. Ang mga kemikal na nag¬mumula sa hinihithit ay nagdudulot ng pagkasira at panghihina ng baga na nagreresulta naman sa mas madaling pagkapit ng mga sakit. Ang pag-iwas sa paninigarilyo, 1st hand man o 2nd hand smoke, ay isang malaking hakbang sa pag-iwas sa mga karamdaman.
- Umiwas sa paglang¬hap ng polusyon -Ang hangin na nilalanghap par¬tikular sa mga lansangan sa lungsod ay maaaring naha-luan na ng polusyon mula sa mga sasakyan at mga pabrika. Huwag magpapa¬baya sa kalusugan ng baga kung lumalabas sa mga lugar na may mataas na le¬bel ng polusyon sa hangin. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng face mask.
- Protektahan ang sari¬li laban sa mga impeksiyon sa baga -Kung sakaling may napapabalitang pag¬taas ng kaso ng sakit na du¬lot ng impeksiyon sa baga, umiwas na lamang na lumabas o magtungo sa lugar na sinasabing may pagkalat ng sakit. Umiwas din sa matataong lugar sapagkat dito pinakamataas ang posi¬bilidad ng paghahawaan. Ang mga mikrobyo na nagdudulot ng karamda¬man sa baga ay karaniwang nakukuha sa hangin na nila¬langhap (airborne diseases).
- Regular na magpatingin sa doktor -Ang regu¬lar na pagpapa-check-up ay makatutulong nang malaki upang matukoy kaagad ang namumuong sakit at maaga¬pan ito kaagad. Maraming sakit ang hindi agarang nag¬papahiwatig ng sintomas o senyales hangga’t hindi pa ito lumalala.
- Regular na mag-ehersisyo -Makatutulong naman sa pagpapalakas ng kalusugan ng baga ang regular na pag-eehersisyo. Ito ay lalong mahalaga sa mga taong may mahinang baga sapagkat matutulungan ng pag-eehersisyo ang mas maayos na pagpasok ng sup-ply ng oxygen sa katawan.
- Balanse at masus¬tansiyang pagkain -Ang ta¬mang pagkain ay nakapag¬papalakas ng resistensiya. Ito ay lubos na mahalaga upang hindi kaagad kapitan ng sakit hindi lamang sa baga kundi pati na rin ang buong pangangatawan. Ang mga gulay, prutas at mga food supplement na may mataas na level ng anti-oxidants ay makatutulong sa pag-iwas sa mga sakit.
EPEKTO NG NICOTINA
Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang nicotine, isang kemikal na may kakayahang ba¬guhin ang pakiramdam ng isang tao. Kayang abutin ng nicotine ang utak sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ay isang sangkap na nakapag¬papasigla sa central nervous system, kaya’t makararamdam ng sandaling pagsigla ng pakiramdam. Ngunit habang papawala na ang epekto ng nicotine, makararanas naman ng pagkapagod at depresiyon. Bukod sa sakit sa baga, ang paninigarilyo ay nakasisira sa lahat ng sistema ng katawan. Pinakikipot ng nicotine ang mga ugat na daanan ng dugo, kaya nalilimitahan ang sirkulasyon at naka¬pagpapataas ng presyon na maaaring mauwi sa stroke.
ANG C.O.P.D.
Ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) ay isang karamdaman kung saan ang biktima ay nahihirapang huminga. Ang taong may COPD ay kadalasang mas maagang namamatay. Habang tumatagal, mas nahihirapan ang pasiyenteng huminga at umaabot pa sa pagkakataon kung saan kahit ang pag-akyat ng hagdan ay hindi na maga¬gawa. Una rito ang Emphysema o unti-unting pagkasira ng air-sacs ng baga. Pangalawa ay Chronic Bronchitis o pamamaga ng bron¬chial tubes at pagdami ng plema.
MGA SINTOMAS NG C.O.P.D.
- Ubo na tumatagal ng 3 buwan o higit pa.
- Hirap sa paghinga lalo na pagkatapos ng pagkikilos.
- Matunog na paghinga (wheezing).
- Paninikip ng dibdib.
- Pagkakaroon ng plema sa umaga.
- Pabalik-balik na pag-ubo na may kasamang plema.
- Pag-aasul ng labi at kuko.
- Madalas na pagkakaroon ng impeksi¬yon sa baga.
- Kawalan ng lakas.
- ‘Di inaasahang pagbawas ng tim¬bang.
HOW TO STOP SMOKING
Akala lang ng mga naninigarilyo ay hindi pa sila addicted dito. Wala namang aamin at lahat ay magsasabing anytime ay kaya nilang huminto. Owws? Kita mo na¬man kapag hindi sila makapagsindi ay nang¬inginig ang mga kamay at naglalaway. Isang paraan ang aking natutunan sa mga seryo¬song huminto. Magkaskas ng hiniwang kal¬amansi sa dila matapos kumain o sa tuwing naghahanap ako ng yosi. Sa loob ng dala¬wang (2) linggo ay bahong-baho na ako sa amoy ng taong naninigarilyo -amoy ashtray.
May mga nagpapayo na gumamit daw ng nicotine patch, nicotine gum, nicotine lozenges o kaya’y nicotine throat spray. Pare-parehong nicotine pa rin ‘yun! May mga gamot din tulad ng “bupropione” at “varenicline” ngunit kailangan pa ng reseta para makabili nito. Mabuti na lang may herbal medications na pantapat dito tulad ng “lobelia”, “ginseng” at “St.John’s Wort”. May sumusumpa sa husay ng acupuncture, hypnosis at psychiatric sessions. Sa higit 20 years ng smoking cessation program na ginagawa ko para sa mga pasyente, iisa lang ang 100% na epektibo sa mga taong kulang ng pure willpower – ang tubuan ng cancer sa lalamunan o baga.
MORE TIPS TO STOP SMOKING
- Alamin ang dahilan kung bakit gusto mong huminto sa paninigari¬lyo gaya ng kagustuhan mong maging maayos ang iyong katawan at kalusugan.
- Magpakatotoo sa paghinto sa paninigarilyo sa pamamagitan ng pagka¬karoon ng disiplina.
- Magpatulong sa pamilya o mga kaibigan na umiwas sa sigarilyo.
- Labanan ang stress na dahilan kaya naninigarilyo ang ibang tao.
- Umiwas sa alcohol na nakaeeng¬ganyo sa paninigarilyo.
- Linisin ang tahanan upang maalis ang amoy ng sigarilyo at itago ang mga bagay na puwedeng makapagpaalala ng sigarilyo gaya ng ashtray at lighter.
- Maging abala sa ibang bagay gaya ng pag-eehersisyo, paglilinis at pagla¬lakad sa labas ng bahay upang malibang.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas.
- Gantimpalaan ang sarili gamit ang natipid na salapi mula sa pagiwas sa pag¬bili ng sigarilyo.
- Gawin ang paghinto sa paninigarilyo para sa mahal sa buhay.
KAILAN DAPAT MAGPATINGIN SA DOKTOR
- Hindi makahinga
- Matinding paninikip ng dibdib
- Hirap sa paghinga na halos hindi na makapagsalita *Quotes
“19. Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own.
You were bought at a price. Therefore honor God with your bodies.”
-1 Corinthians 6:19-20
Salamat po sa pagsubay¬bay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalu¬sugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414-5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness
Comments are closed.