UNEXPECTED pala for Heart Evangelista ang pagbubuntis niya. Ayon sa interview sa kanya, thrice lang sila nag-try ni Senator Chiz Escudero, pero iyon na nga nabuntis na siya. Noong una raw ayaw sana muna niyang sabihin na buntis na siya, kaya lamang paano raw niya sasabihin kung ayaw na niyang gawin ang dati niyang ginagawa?
Isa nga rito na ayaw niyang gawin, ang mag-paint na passion na niya. Bigla raw ayaw na lamang niyang mag-paint at gusto niya ilaan ang oras niya sa pagbubuntis niya. Wait kung hihingi na siya ng mga bagay na paglilihihan niya. Very supportive naman daw sa kanya ang mister niya, sa mga takot sa pagbubuntis niya.
BARBIE FORTEZA PINURI NG SENIOR STARS DAHIL SA GOOD WORK ATTITUDE
MASAYA si Barbie Forteza na after ng ilang buwang wala siyang serye sa GMA 7, huli pa niya ay ang “Meant To Be” sa GMA Telebabad, ngayon, balik-primetime siya sa romantic-comedy series na “Inday Will Always Love You” at balik-katambal niya si Derrick Monasterio, na una niyang nakatambal sa “The Half Sisters” na nag-hit sa afternoon prime block in 2014.
Sa media launch ng “Inday Will Always Love You,” na-overwhelm si Barbie sa praises sa kanya ng mga senior stars na kasama niya, sina Ricky Davao, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner at Ms. Nova Villa. Si Ricky, una raw niyang nakatrabaho si Barbie sa “Marquina” na nanalo si Barbie ng best supporting actress award. Good role model daw si Barbie sa ibang young stars dahil marespeto, tahimik lang sa set pero seryoso sa work, kaya sana raw ay tularan siya ng ibang ka-age niya kung gusto nilang sumikat.
Flexible, mabait, professional. hindi mareklamo si Barbie, magaling mag-memorize ng lines, kaya raw hindi kataka-taka kung bakit sumikat siya at mas dumami ang projects niya.
“Maraming salamat po, music to my ears ang mga sinabi nyo,” sagot ni Barbie. “Kaya po lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko, promise, I won’t let you down dito sa bago po nating serye.”
Biniro si Barbie kung hindi raw ba hadlang sa kanyang projects ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Open naman at hindi niya itinago na sila na ngayon ni Jak Roberto, na tanggap na tanggap din ng family niya.
“Hindi po naman, sa akin po parang malawak na ang pang-unawa ng viewers ngayon. Hindi po naman kailangang maging kayo ng katambal mo para kayo pag-usapan. Sa palagay ko po basta maganda ang story at mahuhusay ang mga artista sa isang project, magugustuhang panoorin ito ng mga televiewers.
“Tulad po ng “Inday Will Always Love You,” dahil ang setting nito ay sa Cebu, talagang pumunta ang buong cast sa Cebu para roon kami mag-taping. Kaya marami po kaming ipakikitang bago, iyong mga magagandang lugar doon tulad ng Bantayan Island na isang virgin island, kahit ang paggawa ng lechon, ipakikita namin dahil iyon ang magiging trabaho ko nang pumunta ako ng Cebu, matapos kaming mapaalis sa lugar namin sa Manila. Marami pong twists sa story, at ibang Barbie naman as Inday Happylou ang mapapanood ninyo rito dahil ang isa pang dahilan ng pagpunta niya sa Cebu, hinahanap niya ang tunay niyang ama.
A project by GMA News & Public Affairs, mapapanood na ang rom-com simula sa Lunes, May 21, pagkatapos ng “Kambal Karibal.”
Comments are closed.