HEART EVANGELISTA INAMING PINAKAMAHIRAP NA PINAGDAANAN SA BUHAY ANG PAGKAWALA NG KAMBAL

MATAPOS ang dalawang linggong pamamahinga sa social media ay nagdesisyon na rin si Hearthot shots Evangelista na lumantad na sa kanyang followers sa kanyang Instagram.

Friday night ng June 22,  sa IG Live na tumagal ng siyam na minuto, sini­guro ni Heart sa lahat na mabuti na ang kanyang kalagayan at nagpapasalamat sa lahat ng mga nagmamahal. Mga nagpadala ng bulaklak, messages at words of support at encouragement na nakatulong ng malaki sa kanya para makayanan ang mga pinagdaanan sa buhay.

Hindi napigilan ni Heart na maging emosyonal nang sabihin niya na itong nangyari sa kanya ang pinakamahirap na pi­nagdaanan niya sa kanyang buong buhay.

Pero dahil na rin sa suporta ng mga nagmamahal sa kanya na nagpapadala ng kanilang mga experience, napagtanto niya na common na sa mga babaeng nagbubuntis for the first time na magkaroon ng miscarriage. Ang ration ay 1 out of 5.

Sa ngayon ay nagsisimula na raw siya to move forward at magbabakasyon muna raw siya ng ilang araw sa ibang bansa to take a break.

“My husband  has decided for me that I should leave the country and take a breather, take a break.  I was scheduled to work just very shortly for something that I signed few months ago.

And so, in a few days, I`ll be going away for a while and you know, I feel that I think it`s time to get out of the house. I`ve been staying at home since the day I found out na  I haven’t  really been out. So I think I deserve to go out now and start moving forward and just wait for that rainbow to show up.”

Ayon pa kay Heart, dahil sa mga pinagdaanan niya ay mas magiging mabuti siyang tao in the future.

Para umingay ang gagawing pelikula

JANICE JURADO GINAMIT SI DA KING NA NAKARELASYON KUNO NIYA

JANICE JURADONAGKAROON ng pagkakataon si Janice Jurado na ikuwento sa mga entertainment press na nagkaroon sila ng panandaliang relasyon ni Da King Fernando Poe Jr.

Si Janice ay dating sexy star at film comedienne nu`ng  80s. Super ganda nito at super laki rin ng kanyang dibdib na siyang kinababaliwan sa kanya ng mga kalalakihan.

Inamin din ng sexy comedienne na mayroon din siyang nakarelasyon na mga general pero takot siyang ibulgar ang mga pa­ngalan sa takot na mapatay.

Ipinagtanggol ni Janice si Miss Susan Roces, ang maybahay ni Da King. Tinulungan pa nga raw siya ng maybahay ng yumaong FPJ. Nagkaroon lang daw ng maling balitang nakara­ting kay Miss Susan kaya nasabihan siya na huwag na lang magpunta sa burol ni Da King.

Bakit kailangan pa niyang ungkatin ang naging relasyon nila ni Da King samantalang takot siyang isangkot ang pangalan ng mga nakarelasyong general?

Katuwiran ni Janice, kailangan daw sabihin niya ang katotohanan sa gagawing pelikula na ang istorya ay base sa kanyang tunay na buhay.

Pagpapatuloy pa ng dating sexy comedienne na bakit daw magre-react  ang iba diyan samantalang marami raw silang na-link kay Da King.

Binanggit niya ang pangalan nina Anna Marin na may anak kay Da King na si Ronian at si Rowena Moran na naging bunga ay si Lovi Poe.

“Sana ‘wag siyang magalit kasi true to life ito, e. Wala tayong magagawa, maraming nakakaalam. Baka `pag hindi ko inilagay sabihin nila, bakit hindi inilagay ‘yung kay FPJ?  Mahalaga  ‘yun. Alam naman ni Ate Susan ‘yun e,” pahayag ni Janice sa interview sa kanya ng press.

Ayon pa kay Janice, si FPJ lang daw ang nakarelasyon niya sa showbiz. Ang iba ay puro mga politiko na.

LANI MERCADO ITINANGGING MAY CELLPHONE SI BONG SA KULUNGAN NITO

LANI MERCADONAGBIGAY ng pahayag si Bacoor Mayor Lani Mercado na wala raw cellphone ang kanyang husband sa detention room nito.

“I  don’t  think he has a cellphone, why? Kasi bawal po roon,” pahayag ni Mayor Lani sa interview sa kanya ng ABS-CBN news.

Ayon pa kay Mayor Lani, may administrator daw si Bong ng FB account nito at ‘yung picture na nalathala sa mga tabloid na lumabas ay luma na.

“Ang alam ko po roon, may admin po siya ng Facebook account. ‘Yun po ang alam ko, somebody takes care of his Facebook account,” aniya.

“I think the picture is an old picture,” sabi pa ni Mayor Lani.

Comments are closed.