HEART EVANGELISTA MAY GINAGAWANG MALAKING PROYEKTO

HEART EVANGELISTA

KUNG ang pag-uusapan ay mga fashion show sa abroad, bet na bet ito ni Kapuso fashionista Heart wallfaceEvangelista. Inamin ng actress na isa sa pinagkakaabalahan niya nga­yon ay ang pagdalo sa mga imbistasyon sa kanya sa mga international fashion show.

Say ng Kapuso actress, bukod kasi na nag-eenjoy siya sa fashion shows ay dala-dala rin daw niya ang pangalan ng Filipinas. Eh, kasi nga, kadalasan din sa mga naiimbita ng mga malalaking fashion show sa abroad ay mga taong kilala sa lipunan sa kanilang bansa. Sa ganitong pamamaraan ay napo-promote raw ni Heart ang kagandahan ng ating bansa, may time pa nga na may kapwa fashionista ni Heart na nakakasama niya sa mga fashion show abroad ang sinasabihan siyang she’s from the Philippines.

Pero may isa pa rin dahilan kung bakit napapadalas ang pagpunta ni Heart sa ibang bansa, may ‘niluluto’ pala siyang isang ma-laking international movie na ipapalabas din ngayong taon sa ating bansa. Kung kaya ganun na lang ka-excited si Heart sa kauna-unahang international movie na ginagawa niya.

Sa katunayan pa nga sa susunod na buwan ay fly ang byuti ng Kapuso actress sa States at dito na nga sa bansang ito tatapusin ang kanyang launching movie for international market.

BENJAMIN ALVES DEDMA SA HIWALAYAN NILA NI JULIE ANNE SAN JOSE

benjamin alves-2TAHIMIK lang hanggang sa ngayon ang kampo ni Benjamin Alves sa nangyaring hiwalayan blues nila ng dating kasintahan na si Julie Anne San Jose, ma­ging si Julie Anne din ay di nagsasalita sa hiwalayan nila ng dating boypren.

Moving on pa rin ang drama ngayon ni Benjamin, tahimik na muna siya sa mundo ng showbiz. Eh kasi nga naman hindi lang pala ang hiwalayan nila ng da­ting gf ang dinaramdam ni Benjamin hanggang sa mga oras na ito kundi pati na rin ang pagpanaw ng kanyang mahal na ama.

Alam naman ng lahat na ang pamilya ni Benjamin ay nasa ibang bansa at nang yumao ito ay wala si Benjamin sa pi­ling ng ama at di man lang daw niya ito nasa-bihan kung gaano niya ito kamahal. Nagkataon din naman na nagkalabuan sila ni Julie Anne kung kaya dobleng sakit si Benjamin.

Say ng actor, ibang level kasi ang kirot na naramdaman niya sa pagbi-break nila ni Julie Anne at ibang level ng pagyao ng isang ama. Kung kaya minarapat ni Benjamin na ‘manahimik’ nang panandalian sa showbiz, para gamutin ang dobleng dagok na kirot sa puso.

At para rin kay Benjamin, hindi rin daw makatutulong kung sakaling pumasok na muli siya ngayon sa isang relasyon para kahit paano ay mabawasan ng sakit na nararamdaman. Say ng actor, wala raw si-yang nasa sa isip ngayon kundi ang ibalik ulit ang dating normal na takbo ng kanyang buhay.

Comments are closed.