HEART EVANGELISTA NAPIKON SA BASHERS

SOBRANG napikon si Heart Evangelista sa mga bastos na bashers na pumuntirya sa relasyon nila ng asawang si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, matapos kumalat ang TikTok video niyang nakasuot ng bikini at nagtatampisaw sa tabing-dagat.

Seksing seksi ang katawan ni Heart, pero agad itong hinusguhan ng mga bashers at isi­ningit na anim na taon na itong kasal pero wala pa ring anak.

Bakit wala pa raw anak ang mag-asawa hi­git anim na taon mula nang sila ay makasal.

Hindi pa nakuntento ang bashers at kung anu-ano pang mahahalay na komento patungkol sa aktres ang sinabi. Bahagi ng tweet ng netizen (published as is), “Violent reminder that a woman’s body does not exist to create children NOR TO BE OWNED BY HER HUSBAND. “No woman is any less because she’s unable to bear a child.”

Nang makarating ito kay Heart, napikon ang aktres at sinabing tantanan na siya ng bashers tungkol sa hindi siya nabubuntis dahil hindi nila alam ang struggle nilang mag-asawa. Nakakaubos din daw ng pasensya na lagi na lamang siyang iniintriga dahil nga hindi pa siya nagkakaanak.

“Also may I add, life is good. People I love are fine and everything else in between is ok so bonus na lang if I do conceive. It’s my body.”

Binigyang diin pa ni Heart na kuntento sa buhay niya ngayon kahit wala siyang anak, at hindi ang pagbubuntis lamang ang magpapasaya sa kanya. Pero hindi raw siya galit sa mga bashers. Napipikon lang siya, Sana lang daw sana, hayaan na lamang siyang maging masaya.

“I am already a happy person and grateful tama na ang pressure. Inspire each other nalang tayo,” dagdag pa niya.

At para matahimik na ang mga nang-iintriga, sinabi pa ni Heart na, “Wag kayo magalala. Nobody has a perfect life… my life is far from that.”

Masaya naman daw si Heart sa takbo ng kanyang career. In fact, nakatakdang ipalabas sa GMA-7 ang prime-time teleserye niyang I Left My Heart In Sorsogon. Kararating lang niya galing sa U.S. para sa art collab nila ng Incubus singer na si Brandon Boyd. Dumalo rin siya sa for-VIP-members-only excusive event ng Vogue 100.  Suportaddo naman si Heart ng kanyang mister na si Chiz Escudero, basta lang daw magiging masaya siya. – KAYE NEBRE MARTIN

172 thoughts on “HEART EVANGELISTA NAPIKON SA BASHERS”

  1. 784917 330085Hi there! Someone in my Myspace group shared this web site with us so I came to give it a look. Im definitely loving the details. Im bookmarking and will likely be tweeting this to my followers! Outstanding blog and wonderful style and design. 545212

  2. 452244 410769Excellent post, I believe internet site owners really should acquire a lot from this internet website its really user pleasant. 297714

Comments are closed.