HEART EVANGELISTA NAPILITANG MAGTRABAHO DAHIL SA KONTRATA

HEART EVANGELISTA

MAGING ang panganay na kambal na anak ni Senator Chiz Escudero ay nalungkot sa pagkalaglag nghot shots magiging kapatid nila sa stepmother na si Heart Evangelista.

At kahit si Heart mismo ay hindi pa rin maka-get over sa nangyari sa anak sanang kambal kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong ganang magtrabaho.

Pero gustuhin man ni Heart na huwag munang magtrabaho ay hindi maaari dahil may kontrata siyang pinirmahan na dapat sundin at tuparin. Payo nga sa kanya ng mga nagmamahal na okay lang sa trabaho muna siya mag-concentrate para kahit paano ay makalimot nang pinagdaanan.

Walang choice si Heart dahil sa napirmahang kontrata, pero ‘yun lang daw ang natanguan niyang trabaho noon. At isa nga riyan ay ang napirmahan niyang kontrata bilang endorser ng sikat na French leather brand sa Paris.

Pero imbes na dalawang taon ang kontrata ay naging isang taon na lang ang pinirmahan niya dahil sa pagbubuntis. Kailangan ni Heart mag-pictorial para sa naturang French leather brand na gagamitin sa billboards, catalog, social media, posters.

Next month kailangan niyang magpunta ng Paris para hindi makasuhan kapag hindi niya tinupad ang kontratang kaniyang pinir­mahan. Malaking halaga rin ang naturang kontrata ni Heart sa Euro na tatanggapin.

Sa ngayon ay bawal pa rin mag-comment  sa Instagram ni Heart para makaiwas sa hindi magaganda at masasakit na mensahe sa kanya.

ASHLEY RIVERA AKA PETRA HALIMUYAK

MUNTIK NAGPAKAMATAY DAHIL SA DEPRESSION

ASHLEY-RIVERAIPINAGTAPAT ng Kapuso actress na si Ashley Rivera na dumaan din siya sa matinding depression at umabot daw sa punto na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay.  Unang nakilala si Ashley bilang si Petra Mahalimuyak sa kanyang feature sa programa na Tunay Na Buhay.

Ayon kay Ashley, nagsimula raw ang depression niya noong ma-involve siya sa isang abusive relationship.

“I think nag-start lang ‘yang depression na ‘yan, when I got into a really parang toxic relationship with a guy. It was abusive—emotionally, verbally, some­times physically.

But not naman ‘yung tipong sasapakin ako but nandoon ‘yung force and everything,” say ni Ashley na napanood din sa Bubble Gang.

Dahil sa dinanas na ‘yun ay nagsimula na raw naging malungkot ang kaniyang buhay. Doon na rin raw nagsimula ang pag-iisip niya na magpakamatay na lang.

“I  didn’t know na may ganoong effect pala siya sa akin. I`m not gonna lie, I had like suicidal thoughts.

Ako kasi, ang nangyayari sa akin is I would always run, e. I would always run away. If I can`t handle a certain problem I just run.Parang I don’t  wanna deal with it, I don’t  like confrontation,” aniya.

Dahil na rin sa tulong ng grupo ni Ashley ay nagawang makawala sa kanya ang bumabalot na depression.

“ I can`t  really say na, “Oh wow, look at me, I`m a completely different person, one hundred percent changed. Because it is a process it doesn’t happen overnight. I started surrounding myself with the right people,” say pa ni Ashley.

Ngayon ay uma-attend siya ng Bible Study sa simbahan kung saan napapaligiran siya ng mga taong masaya at positibo ang dis-posisyon. Ito raw ang naging paraan niya para makawala sa dinadanas na depression.

KRIS AT MOCHA TULOY PA RIN ANG BANGAYAN

HINDI pa pala tapos ang iringan nina Kris Aquino at Mocha Uson. Marami ang nagkamali dahil biglangKRIS-MOCHA-3-bigla humirit si Mocha sa blog niya, with matching picture pa nila ni Bong Go.

“Gusto ko lamang po sabihin at linawin sa lahat – wala pong hidwaan sa aming dalawa ni SAP Bong Go. Mahal at suportado ko po siya. Move on na po tayo. Lahat tayo ay niloloko ng isang drama queen. Sinubukan tayong i-divide para sa sarili niyang pang-interes. Solid tayo! Walang bibitaw!” say ni Mocha.

Sa Twitter account naman ni Kris, ipinost niya ang blog post na yon ni Mocha, na photo na kasama si Bong. At may sagot si Kris with matching  mga korona, mga puso, at kamao ang post ng Queen of All Media at Social Media.

“OMG I LOVE IT! You finally got something right, I AM A QUEEN!” say ni Kris na tuwang-tuwa na tinawag siyang ‘queen” ni Asec Mocha.

Comments are closed.