IBA talaga si Heart Evangelista. Sa kanyang 37th birthday, may dalawa siyang party, at lahat yon, bongga. Ibinida lang naman niya ang mga creation ni Queen of Creative Collaborations na si Neric Beltran.
Sa accessories pa lamang, hindi na bababa sa P10 million ang mga soot niyang Cartier bags and jewelries tulad ng anim na Cartier Love bracelets sa kanyang kamay. Ani Heart, binili niya ito sa Paris noong January 2022. Yung hikaw pa lamang, nagkakahalaga na ng EUR22,600 o PHP1,315,017.79.
Ang singsing naman ay EUR21,300 r PHP1,239,095.68 ayon sa Cartier Website. Kopya man ito sa OOTD ni Zoe Karvitz, mas bongga naman ang kanyang mga accessories — KNM