TRENDING topic ngayon sa social media na magiging bahagi ang misis ni Sen. “Chiz” Escudero sa second season ng Netflix reality show na “Bling Empire.” Ang nasabing palabas ay tungkol sa marangyang buhay ng magkakaibigang Asian at Asian-American sa Los Angeles.
Naniniwala ang 36-year-old Kapuso Actress na si Heart Evangelista na nakatadhana para sa kanya ang pagkakaroon ng show sa isang American subscription streaming service na tulad ng Netflix. Ayon sa socialite actress na Heart o Love Marie Payawal Ongpauco sa tunay na buhay, hindi pa niya masabi kung kailan ipapalabas ang naturang show.
“Kasi with anything abroad siguro, parang ‘di mo siya aasahan, because it’s really destiny for me if you want to achieve anything in Hollywood,” pahayag nito sa GMA News.
RUFA MAE, SINCERE SA PAGHINGI NG APOLOGY
SIGURO naman ay may nakuha tayong aral sa latest controversy na kinasangkutan ng comedienne/actress na si Rufa Mae Quinto na humingi ng apology sa madlang pipol matapos niyang mag-comment ng “sana all” sa isang post ukol sa pagpanaw ni Miss USA Cheslie Kryst.
Ani Rufa Mae, hindi niya sinasadya ang kanyang inappropriate comment. Aminado siyang hindi niya nabasa nang buo ang caption ng post. Naisip niyang i-delete ang kanyang comment pero nabasa na ng mga netizens at nag-viral na sa social media.
“Sensya na po, my deepest sympathy to her family. Napakaganda at sexy kaya nasabi ko na sana all,” ani Rufa Mae. “Nabitin lang po sa text and yes ‘di ko nabasa buong caption, hanggang Miss USA lang po nakita ko.”
CARLA ABELLANA HINDI NA SUOT ANG WEDDING RING NILA NI TOM
NAKATUTOK pa rin hanggang ngayon ang netizens sa mga bagong kaganapan sa pagitan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil wala pa silang direktang pahayag tungkol sa balitang hiwalayan.
Pinusuan ni Tom ang isang Instagram post ni Carla kung saan ipinaalam niyang may bago siyang vlog at nagpa-tattoo siya sa kanyang kaliwang tenga ng pulang puso.
“My Sister and I have been wanting to get new tattoos since before the pandemic so we’re glad that somehow we managed to finally get it done,” sey ni Carla.
Very observant talaga ang mga netizen at napansin kaagad nilang isa sa mga nag-like ay ang kaniyang asawang si Tom, kaya feeling ng kanilang mga tagahanga ay nagkabalikan na nga ang dalawa.
Pero hindi pa rin malinaw kaya naguguluhan ang netizen sa real status ng kanilang relasyon. Sa latest post kasi ni Carla sa kanyang Instagram kung saan may hawak siyang camera ay napansin nilang hindi nito suot ang wedding ring nila ni Tom.