ISA sa mga nakasanayan na ng followers ni Heart Evangelista ang pagiging isang fashionista na may class.
Ngayon na kumpirmadong buntis na si Heart, at maselan din magbuntis, nangangahulugan ba na babawasan na ng Kapuso ac-tress ang pagsusuot ng high heels? Nakasanayan na kasi ni Heart na magsuot ng high heels bilang gamot sa pananakit ng kanyang likod pag naka-flat shoes lang siya.
Malamang mas bongga ang mga maternity dress ni Heart na pakakaabangan ng mga buntis o magbubuntis pa lang. Ang naging tugon naman ni Heart sa pagsusuot niya ng high heels ay okey daw naman sa kanya na magsuot nito pero isasangguni niya rin sa kanyang Ob-Gyne kung keri pa rin niya ang mag-high heels.
Samantala, may isang nagpadala kay Heart ng congratulatory message sa kanyang pagbubuntis na hindi pinalagpas ni Heart at sinagot ito, ang asawa ng kanyang dating boypren na si Jericho Rosales, si Kim Jones. Ani ni Kim sa kanyang mensahe, “Major! Congratulations to you both, @kimcamjones”.
Say naman ni Heart sa pagbati ni Kim: “Thank you, @iamheartee.”
MISTER NI ROCHELLE PANGILINAN MAGALING MAGPAIYAK
HINDI lang sa pagpapatawa napatunayan ng mister ni Rochelle Pangilinan na si Arthur Solinap kundi pati na rin sa pagpapai-yak. Maraming nagulat nang magdrama ang komedyanteng si Arthur sa isang episode ng “Pepito Manalo”. Kering-keri ni Arthur ang eksena kung saan ay kasama niya ang ‘nawawalang’ ama sa show na ginampanan ni Ricky Davao.
Sabi nga ni Maine Mendoza, tagos hanggang bone marrow ang eksena ng mag-ama. Nakabibilib ang pag-arte niyang ito dahil halos lahat ng viewers naka-relate. Masundan kaya ang pagpapaiyak na ito ni Arthur? In fairness, puwedeng-puwedeng isabak sa kadramahan si Arthur sa drama anthology ng Kapuso network na “Magpakailanman.”
JULIE ANNE SAN JOSE KILIG NA KILIG SA LITANYA NG SYOTA
SA kaarawan ni Julie Anne San Jose, isang sweet na pagbati ang binigay sa kanya ng boypren na si Benjamin Alves.
“Happy birthday to this beautiful woman, who I’m lucky enough to call my best friend.”
Simple pero may kagat sa puso ang patulang greeting na ito ng Kapuso actor sa kanyang girlfriend. No wonder kung bakit lag-ing blooming ang byuti ni Julie Anne, e, alaga ba naman ng sweet messages ng kanyang boypren kahit bihira na silang magkasama lately.
Busy si Julie Anne sa kanyang teleserye na “My Guitar Princess” kasama sina Kiko Estrada and Gil Cuerva, samantalang may “Karibal ko Ang Aking Ina” naman si Benjamin kasama sina Sunshine Cruz at Bea Binene. Bukod sa teleserye, abala rin si Julie Anne sa upcoming single niya na siguradong magugustuhan ng lahat dahil bagay sa road trips at pakikipag-jamming.
Comments are closed.