HEART EVANGELISTA TUMUTULONG NA BINIKTIMA PA

heart evangelista

HINDI na yata talaga mawawala ang panloloko sa ilang kababayan natin at ang pagiging parehas lalo na sa mga panahon na ito, nasana wallfacenaman ay huwag manloko ng kapwa.

Isa kasi ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista-Escudero ang naging biktima ng ganito. Kaya pakiusap ng aktres na sana ay huwag manloloko ang mga humihingi sa kanya ng tulong.

Alam naman natin na bukod sa pagiging isang aktres ay isa ring politician’s wife si Heart kung kaya hindi maiiwasan na hingan siya ng tulong o ayuda ng mga taong nasasakupan ng kanyang mister.  At dahil mahigpit sa social distancing ang batas ngayon, naisip ni Heart na idaan na lang sa social media ang ayudang kinakailangan ng isang pamilya.

Naging matagumpay naman ang kampanyang ito at sa pamamagitan ng social media ay nalaman at nabigyan ng tulong ni Heart ang kanilang constituents. May nanghihingi ng pambili ng pagkain, gamot, mga food stocks at financial assistance. May nabiyayaan naman ang aktres sa mga humihingi ng kanyang tulong.

Pinahahatid ni Heart ang kanyang ayuda sa kanyang mga staff para ‘di na lumabas pa ng bahay ang mga nangangailangan ng tulong. At siyempre dahil sa ang basehan ni Heart ay ang social media, napag-alaman din niya na may mga tao raw na sadyang mapanglamang.

Eh kasi nga naman, magkaiba ang account name pero iisa ang taong may-ari ng mga naturang account.

At dahil mga staff niya ang naghahatid mismo ng mga ayuda, may nabubuking sila na ang may ari ng account ay ‘yun din sa una na nilang pinuntahan.

Kaya nga nang muli siyang humarap sa kanyang personal social media account ay nagbigay ng babala si Heart sa mga mapagsamantalang tao.

Say ng aktres: ‘Please be honest with me 🙁 I just wanna help as much as I can, give chance to others. I still sent help 2x, kahit alam ko you’re the same person knowing you might just be in a bad place . But I know.”

Sa ngayon ay marami-raming pamilya nang natutulungan si Heart, na parang isa na sa pang araw araw na galawan niya na humarap sa kanyang laptop, at tugunan ang mga hinaing ng kanyang mga kababayan.

Comments are closed.