HEAT BALIK ANG INIT

NAITALA ni Jimmy Butler ang 15 sa kanyang game-high 27 points sa decisive third quarter upang tulungan ang bisitang Miami Heat na putulin ang  six-game losing streak sa pamamagitan ng 98-88 panalo kontra New York Knicks noong Lunes ng gabi.

Nagdagdag si Bam Adebayo ng 20 points at 18 rebounds para sa Heat, na nagwagi sa kabila ng pagliban ni trade deadline acquisition Victor Oladipo, na ang debut ay naantala dahil sa head cold.

Umiskor si Tyler Herro ng 18 points mula sa  bench habang nag-ambag si Duncan Robinson ng 14 points para sa Miami, na pinutol ang kanilang pinakamahabang  losing streak matapos ang six-game skid mula Dec. 23, 2016 hanggang  Jan. 3, 2017.

JAZZ 114,

CAVALIERS 75

Nagsalansan si Rudy Gobert ng  18 points, 17 rebounds at 4 blocks at nagbuhos si Donovan Mitchell ng team-high 19 points para pangunahan ang Utah Jazz sa ika-6 sunod na panalo sa pagdurog sa Cleveland Cavaliers, 114-75, sa Salt Lake City.

Si Mike Conley ang nag-iisang Jazz player na nagposte ng double figures — 18 points sa 5-of-9 shooting.

Ito ang ika-8 wire-to-wire win ng Jazz at napantayan nito ang franchise record na ika-20 sunod na panalo sa home.

Pinangunahan nina Georges Niang at Jordan Clark ang bench barrage ng Jazz na may tig-9 points. Bumuslo ang koponan ng 46.3 percent (19 of 41) mula sa long range. Tumirada rin ang Jazz ng 46.3 percent (38 of 82) overall.

Umiskor si Collin Sexton ng 20 points at nagdagdag si Darius Garland ng 18 para sa Cleveland, na naglaro na wala sina Kevin Love (calf), Larry Nance Jr. (illness), Matthew Dellavedova (appendectomy) at Jarrett Allen (concussion).

WARRIORS 116,

BULLS 102

Bumalik si Stephen Curry mula sa five-game absence upang pangunahan ang lahat ng scorers na may 32 points, at igiya ang Golden State Warriors sa 116-102 panalo kontra Chicago Bulls.

Kumamada si Curry, na pinanood ang Warriors na natalo ng apat sa limang laro habang nagpapagaling ng bruised tail-bone, ng anim na 3-pointers at bumuslo ng 11-for-24 overall tungo sa kanyang ika-18 30-point game sa season.

Nagbida si Nikola Vucevic para sa Bulls na may 21 points.

Sa iba pang laro, ginapi ng Los Angeles Clippers ang Milwaukee Bucks, 129-105; nadominahan ng

Sacramento Kings ang San Antonio Spurs, 132-115; namayani ang Memphis Grizzlies kontra Houston Rockets, 120-110; pinadapa ng

Detroit Pistons ang Toronto Raptors, 118-104; natakasan ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 132-124;  nilambat ng Brooklyn Nets ang Minnesota Timberwolves, 112-107; pinatahimik ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder, 127-106; at pinisak ng New Orleans Pelicans ang Boston Celtics, 115-109.

3 thoughts on “HEAT BALIK ANG INIT”

  1. 147298 980610Hello Guru, what entice you to post an post. This article was extremely interesting, especially since I was looking for thoughts on this subject last Thursday. 368232

  2. 264273 463883I really really like the theme on your web site, I run a web internet site , and i would adore to use this theme. Is it a free style, or is it custom? 463728

  3. 214835 384557Cheers for this exceptional. I was wondering whether you were preparing of publishing similar posts to this. .Keep up the outstanding articles! 818036

Comments are closed.