HEAT NAMAYANI SA BLAZERS

heat vs blazer

NALIMITAHAN ng Miami Heat si Damian Lillard sa 12 points nang gapiin ang host Portland Trail Blazers, 107-98, noong Linggo ng gabi.

Bumuslo si Lillard, pumasok sa laro na ranked third sa liga sa scoring (29.0), ng  3-of-10 lamang mula sa floor sa loob ng 37 minuto. Ito ang kanyang third-lowest-scoring game sa  season.

Nagbida sina C.J. McCollum at Norman Powell para sa Trail Blazers na may 17 points.

Ang Miami ay pinangunahan ni Bam Adebayo, na may game-high 22 points. Nagdagdag si Jimmy Butler ng 20 points at game-highs 5 assists at 4 steals.

Naglaro ang Heat na  walang turnovers sa first half. Para sa laro, ang Heat ay may plus-21 sa points mula sa turnovers.

Sumalang ang Miami na wala si starting guard Victor Oladipo (right knee) subalit naglaro si Heat guard Tyler Herro sa kabila ng pamamaga ng kanang paa at umiskor ng 14 points.

PACERS 132,

GRIZZLIES 125

Nagbuhos si Caris LeVert ng 34 points, at nagdagdag si Malcolm Brogdon ng 29 nang pataubin ng bisitang Indiana Pacers ang Memphis Grizzlies, 132-125.

Bumuslo si LeVert ng 14-of-20 mula sa floor tungo sa kanyang  high-point total magmula nang umanib sa Pacers noong March 13, at ang kanyang 34 points ang kanyang second-most scored sa season.

Ang kanyang naunang high na 43 points, habang nasa Brooklyn Nets, ay naitala rin niya kontra Grizzlies sa FedExForum noong Jan. 8.

CLIPPERS 131,

PISTONS 124

Nakumpleto ng Los Angeles Clippers ang 7-2 homestand sa winning note makaraang madominahan ang Detroit Pistons, 131-124.

Pinangunahan ni Marcus Morris Sr. ang Clippers na may 33 points, at tumapos si Paul George na may 32 points at 9 assists. Nagdagdag si Luke Kennard ng 11 points.

Nakakuha ang Pistons, nakumpleto ang Western Conference road trip sa 2-3, ng 26 points mula kay Josh Jackson at 25 kay Saddiq Bey.

T’WOLVES 121,

 BULLS 117

Kumana si Karl-Anthony Towns ng  27 points, 12 rebounds at 8  assists upang tulungan ang Minnesota Timberwolves na maitala ang 121-117 panalo kontra Chicago Bulls.

Umiskor din si D’Angelo Russell ng  27 points at nag-ambag si fellow reserve Naz Reid ng 18 points para sa Minnesota. Nagsalpak si Ricky Rubio ng limang 3-pointers at nagdagdag ng 17 points at 9 assists, habang tumipa si Anthony Edwards ng 15 points para sa Timberwolves.

Nakalikom si Zach LaVine ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists habang tumabo si Nikola Vucevic ng 18 points para sa  Bulls, na natalo sa ika-10 pagkakataon sa nakalipas na 14 na laro.

Nagdagdag sina Troy Brown Jr. ng 15 points, Daniel Theis ng 13, Coby White ng 11 at Tomas Satoransky ng 10 para sa Chicago.

SPURS 119,

 MAVERICKS 117

Kumamada si DeMar DeRozan ng 33 points, kabilang ang deciding jumper, may isang segundo ang nalalabi, upang bitbitin ang bisitang San Antonio Spurs sa 119-117 panalo laban sa Dallas Mavericks na pumutol sa kanilang five-game losing streak.

Nagdagdag si Dejounte Murray ng 25 points para sa Spurs, habang gumawa sina Lonnie Walker IV ng 13 at Jakob Poeltl ng 12 points.

Umiskor si Kristaps Porzingis ng 31 points at kumalawit ng 15 rebounds para sa Dallas bago na-foul out, may 1:14 sa orasan.

Nagdagdag si Doncic ng 29 points, nsgbigay si Josh Richardson ng 16, at kumabig si Jalen Brunson ng 11 points para sa Mavericks, na natalo ng dalawa sa kanilang huling tatlong laro.

Sa iba pang laro ay nagpasabog si Zion Williamson ng 38 points nang igupo ng bisitang New Orleans Pelicans ang Cleveland Cavaliers, 116-109.

2 thoughts on “HEAT NAMAYANI SA BLAZERS”

  1. 77931 474082Hi there! Do you use Twitter? Id like to follow you if that would be ok. Im undoubtedly enjoying your blog and appear forward to new posts. 360297

Comments are closed.