SUMANDAL ang Miami Heat kay Goran Dragic upang malusutan ang Indiana Pacers sa Game 4, 99-87, at makumpleto ang first round sweep ng kanilang Eastern Conference playoff series noong Lunes sa Orlando (US time).
Nagbuhos si Dragic ng 23 points, 5 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag si Bam Adebayo ng 14 points, 19 rebounds at 6 dimes.
Ito ang unang first playoff series ng Miaml magmula nang manalo noong 2016. Makakasagupa nila ang mananaig sa Milwaukee-Orlando series, kung saan abante ang Bucks sa 3-1.
Isang malakas na second quarter ang nagbigay sa Miami ng 51-42 bentahe, at napigilan nila ang mga pagtatangka ng Indiana na makabalik sa laro.
LAKERS 135,
BLAZERS 115
Ipinagdiwang ng Los Angeles Lakers ang “Mamba Day” sa kagila-gilalas na pamamaraan nang tambakan ang Portland Trail Blazers sa Game 4 upang kunin ang kontrol sa kanilang Western Conference first-round series.
Suot ang kanilang “Black Mamba” uniforms bilang pagpupugay kay late, great Kobe Bryant, maagang nag-init ang Lakers at kinamada ang unang 15 points ng laro at umabante ng hanggang 38 sa wire-to-wire victory.
Tangan ngayon ng Lakers ang 3-1 lead sa best-of-seven series na naglapit sa kanila sa pag-abante sa susunod na round.
BUCKS 121,
MAGIC 106
Nakalikom si reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 15 rebounds at 8 assists, at nag-init si fellow All-Star Khris Middleton sa huling sandali upang ihatid ang top-seeded Milwaukee Bucks sa panalo laban sa eighth-seeded Orlando Magic upang kunin ang to 3-1 lead sa Eastern Conference first-round playoff series.
Maaaring tapusin ng Milwaukee ang series sa pamamagitan ng panalo sa Game 5 sa Miyerkoles.
Ito ang pinakakumpetitibong Magic magmula sa kanilang Game 1 upset. Kumapit ang Orlando hanggang sa fourth quarter, nang bumanat ang Milwaukee ng 20-5 blitz upang itarak ang 102-83 bentahe. Naitala ni Middleton ang 13 sa kanyang 21 points sa stretch, kabilang ang tatlong 3-pointers.
THUNDER 117,
ROCKETS 114
Naipasok ni Dennis Schroder ang isang layup upang tulungan ang Oklahoma City Thunder na gapiin ang Houston Rockets at itabla ang kanilang Western Conference first-round series sa Game 4.
Kinuha ni Danilo Gallinari ang isang errant pass mula kay Rockets guard James Harden, may 53.4 segundo ang nalalabi, umiskor si Schroder upang palobohin ang kalamangan ng Thunder sa 111-108, may 35.9 segundo sa orasan.
Binura ng Oklahoma City ang 15-point, third-quarter deficit upang iposte ang ikalawang sunod na panalo at itabla ang series sa 2-2 kung saan nakatakda ang at Game 5 sa Miyerkoles.
Gumawa si Schroder ng 30 points mula sa bench upang pangunahan ang Thunder, habang nag-ambag si Chris Paul ng 26 points, 6 rebounds at 3 steals.
Comments are closed.