MALABON CITY – NASA malubhang kalagayan ang isang helper matapos aksidenteng bumagsak mula fourth floor ang sinasakyan nitong elevator kamakalawa ng hapon.
Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Leo Mabanan, 30, stay-in sa Shin Zen Trading, Orchid St. Araneta Village, Brgy. Potrero.
Sa ulat nina PSSg Mardelio Osting at PSSg Jose Romeo Germinal kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong alas-4:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Santos Pre Ang Building sa 155 Reparo St. Brgy. Potrero.
Sa ulat, sakay ang biktima sa elevator (construction elevator) mula sa ikaapat na palapag nang hindi ito gumana at aksidenting bumagsak sa ground floor na naging dahilan upang mabilis na isugod si Mabanan sa nasabing pagamutan. EVELYN GARCIA
Comments are closed.