SURAKARTA – Naghihintay ang heroes’ welcome sa matagumpay na Philippine para team na sumabak sa katatapos na 11th ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia.
Maliban sa wheelchair basketbal squads, karamihan sa PH contingent na bahagi ng regional sportsfest ay lalapag sa Centennial Airport (Ninoy Aquino International Airport Terminal 2) sakay ng Philippine Airlines chartered flight bandang tanghali.
Ang para-athletes ay bibigyan ng red-carpet treatment ng mga opisyal sa pangunguna nina Philippine Paralympic Committee (PPC) President Mike Barredo at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo, na nagpaabot ng pagbati para sa kanilang pagpupunyagi upang maitala ang all-time high ng bansa sa ASEAN Para Games.
Sumabak sa 14 disciplines, ang PH standard-bearers ay uuwi na may 28 gold, 28 silver at 47 bronzes (base sa unofficial count ng PPC), nahigitan ang dating best na 24-24-26 sa 2009 edition na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia, gayundin ang 20-20-29 na nakolekta sa Malaysian capital, limang taon na ang nakalilipas.
Karamihan sa PH bets ay nasa kanilang unang international competition sa loob ng limang taon, napanatili ng bansa ang kanilang No. 5 ranking sa unofficial medal standings hanggang tanghali kahapon sa pagtatapos ng regional showcase para sa para-athletes sa Central Java provincial capital
Base sa APG website, ang host Indonesia, tulad ng inaasahan, ang nanguna sa medal standings na may grand tally na 177-141-110, kasunod ang Thailand (117-116-87), Vietnam (64-60-56) at Malaysia (36-20-14).
“We are all so proud of our Filipino para-athletes in overcoming many severe challenges so they can excel and come back to the country with their best performance yet in the 11th ASEAN Para Games,” sabi ni Barredo.
“Although we finished in fifth place once again, the marked improvement in our medal output showed how determined and hungry our athletes were to perform in Malaysia,” dagdag pa niya.
“With the next ASEAN Para Games in Cambodia next year not too far away, our para-athletes have laid the foundation in training harder and better so they can continue to bring home glory and honor the country. Mabuhay kayong lahat!” aniya.
“Ang buong Pilipinas ay ipinagdiriwang ang tagumpay ng ating mga para-athletes sa 11th ASEAN Para Games,” sabi naman ni Coo.
“Ito ay patunay na para sa atletang Pilipino ay walang anumang balakid o kakulangan ang makakahadlang kung ang nakataya ay karangalan ng bayan.,” pagbibigay-diin niya. “Buong-buo ang iyong puso para sa bansa.
“You make all of us truly proud of being a Filipino! We cannot thank you enough for your courage and hard work and lifting our country’s pride! Mabuhay ang atletang Pilipino! For Philippine sports and for the greater glory of God!”
Pinapurihan din ni PSC Executive Director at acting officer-in-charge Atty. Guillermo Iroy Jr. ang ipinamalas ng PH para-athletes.
“This is another milestone for Team Philippines. We have surpassed our past APG participation with this big medal haul for this edition. The agency thanks you all for such an inspiring performance. We are all very proud of you,” ani Iroy.
Ayon kay Iroy, inaayos na ng PSC ang courtesy call ng PH delegation sa Malacanang kung saan No. 1 sports fan ng bansa, si Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ay sabik nang makaharap ang lahat ng mga opisyal, atleta at coach na lumahok sa 11th ASEAN Para Games