HIDILYN MAGRERETIRO NA PAGKATAPOS NG PARIS OLYMPICS?

NAGPAHIWATIG si Olympic gold medallst Hidilyn Diaz-Naranjo sa posibleng pagreretiro niya pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.

Ibinahagi ni Diaz sa Instagram ang larawan ng kanyang mga kamay at isang liham patungkol sa weightlifting.

Determinado ang Pinay weightlifting star na gawin ang lahat para sa 2024 Paris Olympics. Gayunman, tila desido na rin ito na magretiro at bumuo ng pamilya kasunod ng paghikayat niya sa sambayanan na samahan siya sa kanyang “#LastLift.”

“I am manifesting this dahil ito ang gusto ko at weightlifting ang nagpapasaya sakin. Samahan ninyo ako sa aking desisyon to go for my #LastLift. #TeamHD will be with me throughout the whole process pero kailangan ko ang suporta at dasal ninyong lahat,” aniya..

Nito lamang July 26 nang ikasal si Hidilyn kay Julius Naranjo, kung saan ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon bilang paghahanda sa Olympics.

Sinariwa rin ni Hidilyn ang 2016 Rio Olympics kung saan nakamit niya ang silver medal, na isa, aniya, sa proudest moments ng kanyang buhay.

“I can still remember how magical that day was, how God surprised me with a silver medal when I was just aiming for a Bronze, it was one of the proudest moments of my life.”

CLYDE MARIANO