HIDILYN ‘OUT’ SA WEIGHTLIFTING WORLD CHAMPIONSHIPS

HINDI sasabak si Hidilyn Diaz sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na gaganapin sa December 7 sa Tashkent, Uzbekistan.

Ayon kay Samahang Weightlifting sa Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, hindi pa handa si Diaz na bumalik sa kumpetisyon laban sa pinakamahuhusay sa mundo.

“She actually feels that she lacks the training and the focus and she also wants to enjoy her victory in the Tokyo Olympics,” ani Puentevalla.

“She also feels that other Olympians won’t be joining the tournament. In other words, she thinks she’s not yet ready to compete again. And we understand her decision because it took her many years to prepare for Tokyo.”

Si Diaz, kasama ang kanyang fiancé at strength and conditioning coach na si Julius Naranjo, ay kasalukuyang nasa Malacca, Malaysia. Nakatakda siyang magsanay roon sa kaparehong private at isolated facility kung saan siya naghanda para sa 2020 Tokyo Olympics.

Gayunman, ang pagsasanay ay hindi para sa world championships tilt.

Ayon kay Puentevella, nagsimula na si Diaz na ikondisyon ang kanyang katawan  para sa Vietnam Southeast Asian Games sa May 2022 at sa Asian Games sa September 2022.

Maaari ring naghahanda na ang Pinay weightlifter para sa posibleng huling Olympic stint niya sa 2024 Paris Games.

“This tournament is a qualifying event for Paris but there’s a lot of other qualifying events in the years to come and also, the next Olympics is still in 2024 so there’s still a lot of time,” dagdag pa ni Puentevella.