UMABOT na sa mahigit kalahating milyong overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang Covid-19 ang napauwi na ng pamahalaan.
Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration head Hans Leo Cac-dac na 502,581 OFWs ang ligtas na naiuwi sa kani-kanilang probinsiya matapos sumailalim sa Covid tests at quarantine protocols sa iba’t ibang hotel.
Binubuo ng 1,471 OFWs ang huling batch na nakauwi sa kani-kanilang tahanan nitong Sabado de Gloria.
Sa hiwalay na ulat ng DOLE-International Labor Affairs Bureau (ILAB), may 645,071 OFW ang naapektuhan ng pandemya at 627,576 sa mga ito ang nawalan ng trabaho. Ayon kay ILAB Director Alice Visperas, 49,698 na OFWs na nawalan ng trabaho ang humiling na makauwi ng bansa samantalang 75,297 ang piniling manatili sa kani-kanilang lugar.
Batay sa record ng ILAB, tumaas ang bilang ng mga OFW na nahawahan ng sakit. Nitong Abril 4, nagtala ng 17,495 kumpirmadong kaso ng Covid ng mga OFW batay sa ulat ng 40 Philippine Overseas Labor Offices mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa nasabing bilang, 10,155 ang gumaling, samantalang 938 naman ang nasawi.
Sinabi ni Bello na patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan at apektadong OFW.
“Hindi tatalikuran ng pamahalaan ang pangako nito na bibigyan ng kinakailangang tulong ang ating mga OFW. Patuloy natin silang tutulungan hangga’t kakailanganin nila,” wika ni Bello.
Sa ngayon, umabot na sa P5.043 bilyon ng DOLE-AKAP ang naipamahagi sa 497,122 OFWs.
Ang AKAP ay isang beses na tulong pinansiyal na $200 o P10,000 bawat kwalipikadong apektado o nawalan ng trabahong OFW.
Maliban sa AKAP, nagbigay rin ng tulong-pinansiyal, pagkain at medikal ang DOLE sa mga OFW na nagkasakit ng COVID. Sa ngayon, umabot na sa kabuuang $1.93 milyon tulong-pinansiyal ang naibigay sa mga OFW na may COVID, at $2.6 milyon naman ang naipamahagi para sa pangangailangang medikal at pagkain ng 124,945 OFWs. LIZA SORIANO
541185 567367Echt tolle Seite. Rubbish bin eigentlich nur per Zufall hier gelandet, aber ich bin jetzt schon complete von der tremendous Seite beeindruckt. Gratuliere dazu!! Viel Erfolg noch durch der sehr guten Home-page mein Freund. 866074
Spot on with this write-up, I actually think this website needs a lot more attention. I’ll probably be back again to see more, thanks for
the information!
733430 666560Excellent post, I conceive site owners should larn a lot from this website its very user friendly . 251841
678246 21652hey there, your internet site is cheap. We do thank you for work 959909