(Hiniling na ipagpaliban) PAGBAWAL SA ‘DI PA  BAKUNADO SA MALLS, RESTOS

Win Gatchalian

HINILING ni Senador Win Gatchalian na ipagpaliban muna hanggang  hindi pa nagkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 ang panukala na limitahan lamang sa mga bakunado o fully vaccinated ang pagpasok sa malls at restaurants.

“Sa ngayon mahirap gawin ‘yan dahil hindi sapat ang supply ng vaccines natin. Marami na ang gustong magpabakuna pero ang problema naman ay kulang ang supply,” paliwanag ni Gatchalian.

“Until such time na marami na ang bakuna at mayroon pa ring mga taong ayaw magpabakuna, siguro maaari na nating pag-isipan ang panukalang ‘yan para maengganyo natin ang lahat na maging bakunado,” dagdag ng senador.

Inihalimbawa niya ang Valenzuela City kung saan umabot na sa 300,000 ang backlog ng mga hindi pa bakunado. Kahit na, aniya, nasa 52% na ng target population ang nabigyan na ng first dose, nasa 34% pa lamang ang nakakumpleto ng bakuna o nakakuha na ng second dose.

“Hindi sa ayaw ng mga taong magpabakuna, walang bakuna na makuha at maraming local government units (LGUs) na humihingi pa ng bakuna. Marami akong kausap na mga LGU sa probinsya na namomroblema sa supply ng bakuna. Kulang na kulang pa talaga,” diin ni Gatchalian.

Sa kabuuan ng National Capital Region (NCR), sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na nasa 43.5% na noong Agosto 22, 2021 ng target na mabakunahan o umabot sa 4,262,546 ng mga residente sa Kalakhang Maynila ang fully vaccinated na.

Nasa 75% naman ng kabuuang bilang ng planong mabakunahan sa NCR ang nakatanggap na ng first dose o paunang bakuna at maaaring umabot sa kalahati o 50% ang full vaccination ng target population dito sa katapusan ng buwan, ayon pa rin kay Abalos.

May ilang grupo ng mga negosyante ang nagsabing suportado nila ang panukalang naglilimita sa mga bakunado na makapasok sa restaurants, malls, at ibang commercial establishments sa NCR para makalikha ng “safer bubbles” na maaaring makakontrol sa paglaganap ng mas nakahahawang COVID-19 variants.

Ani Gatchalian, suportado niya ang ideyang ito kung makakapag-engganyo ng mas maraming tao sa pagpapabakuna at kung may sapat nang suplay. VICKY CERVALES

96 thoughts on “(Hiniling na ipagpaliban) PAGBAWAL SA ‘DI PA  BAKUNADO SA MALLS, RESTOS”

  1. 197054 386122The when I just read a blog, Im hoping that this doesnt disappoint me approximately this one. Get real, Yes, it was my method to read, but When i thought youd have something intriguing to state. All I hear is really a number of whining about something that you could fix need to you werent too busy trying to discover attention. 801039

  2. First of all, thank you for your post. baccarat online Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^

Comments are closed.