(Hiniling sa TESDA) LIVELIHOOD PROGRAM SA PAMILYA NG SEAFARERS

Alan Peter Cayetano

HINILING sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagpapatupad ng programang pangkabuhayan na magtuturo sa pamilya ng mga Filipino seafarer na magkaroon ng sarili nilang negosyo.

Ayon kay dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig City 1st. Dist.-Pateros lawmaker, makabubuting mayroon ding sariling pinagkakakitaan ang pamilya  ng bawat Filipino overseas worker para hindi lamang umasa sa remittance o perang ipadadala sa kanila ng kaanak na naghahanapbuhay sa ibang bansa.

“Kasi ang napansin ko, ang pamilya minsan nakaasa doon sa OFW. Pero puwede kasi na habang kumakayod — sabi nga eh ‘kayod marino’ — ‘yung ating mga OFW, mayroon po sa pamilya na pinag-aaralan na ‘yung negosyo na gusto nung pamilya niya,” pahayag pa ni Cayetano sa idinaos na ‘Sampung Libong Pag-Asa Program’  bilang selebrasyon ng International Seafarers Day kamakalawa.

Aniya, marami sa mga Filipinong marino ay nais nang huminto sa pagtatrabaho sa laot pagkatapos ng 15 hanggang 20 taon kaya mahalagang magamit ng kanilang pamilya nang tama ang kanilang mga naipon.

“After a while sasabihin nila ayaw na nilang malayo sa pamilya nila, gusto man lang nila college ang anak nila makita man lang nila at ‘yung inipon ay magamit nang tama,” sabi ng dating lider ng Kamara.

Bilang pagtanaw naman sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa, namahagi ng tig-P10,000 ayuda si Cayetano at ang kanyang mga kaalyado sa 200 Filipinong marino.

Nabatid na karamihan sa nakatanggap ng nasabing ayuda ay anim na buwan o higit nang naghihintay na makasampa ng barko. Mayroon ding mga nakatakda na sanang ma-deploy ngunit napurnada dahil sa magkakaibang COVID-19-related restrictions sa mga port.

Kaya naman nanawagan din si Cayetano sa mga ahensiya  ng gobyerno na maisama sa cash assistance program maging ang mga marino. ROMER R. BUTUYAN

6 thoughts on “(Hiniling sa TESDA) LIVELIHOOD PROGRAM SA PAMILYA NG SEAFARERS”

  1. 460104 439417I was suggested this website by my cousin. Im not certain whether this post is written by him as no 1 else know such detailed about my trouble. You are amazing! Thanks! xrumer 578418

Comments are closed.