HOARDERS NG FACE MASKS AARESTUHIN

Face Mask

NAGBABALA ang Malakanyang na aa­restuhin ang sinumang magtatago ng alcohol, hand sanitizer, face mask at iba pang basic commodities sa gitna ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang gagawing hoarding ng mga mapagsamantalang negosyante ang magiging dahilan upang tumaas ang presyo ng basic commodities na kailangan ng mga consumer.

“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order,” wika ni Panelo.

Tiniyak ni Panelo na mananagot sa batas ang mga magsasamantala sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ng sambayanan bunsod ng COVID-19.

“Those who unscrupulously take advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in accordance with law,” giit ni Panelo.

May mga napaulat na insidente ng panic-buying sa mga residente sa Metro Manila kaugnay sa dumaraming bilang ng kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Kaugnay nito ay nanawagan si Panelo sa publiko na iwasang mag-post ng mga hate message sa mga panahong ito, gayundin ang mga haka-haka na lalo pang nakadaragdag sa pangamba ng publiko sa COVID-19.

“The resort to hate messages or posts in social media channels and other platforms will do more harm than good, especially during this time which should be seen as an opportunity for the Filipinos to unite in the face of the health threat,” sabi pa ni Panelo.

“We similarly ask media outlets to refrain from exaggerating or amplifying reports that may only affect the mindset of the public and instead help in disseminating helpful tips on how to prevent the spread of the virus,” dagdag pa ng kalihim.

Tiniyak din ni Panelo na gjnagawa ng pamahalaan ang lahat upang matugunan at masawata ang pagtaas sa bilang ng mga naaapektuhan ng COVID-19. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.