Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Phoenix vs Columbian
6:45 p.m. – Alaska vs Rain or Shine
NAGING bayani ng Blackwater si Roi Sumang nang maitakas ang 104-99 panalo sa overtime laban sa Magnolia sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Umiskor si Sumang ng pitong sunod na puntos para sa 94-87 bentahe at dalawa pang free throws sa huling 23 segundo sa extra period upang ibigay sa Elite ang ika-6 na panalo sa siyam na laro at putulin ang 5-game winning streak ng Hotshots na bumagsak sa 5-3 kartada.
“They refused to fold up when the game was on the line. They really wanted to win. They showed their true character. I’m proud of them,” sabi ni Blackwater coach Aries Dimaunahan.
Nang tanungin sa performance ng bagong import na si Stephen Blair, sinabi ni Dimaunhan na maaga pa para husgahan ito.
“It’s too early to judge him. This is his first game. I understand him. He had jet lag and it is the reason of his mediocre showing. I’m pretty optimistic he will play better in our next game against Talk ‘N Text on July 7,” aniya.
“Mayroon pang ibubuga. Abangan at tingnan natin ang kanyang susunod na laro at doon natin malalaman ang kanyang tunay na laro,” dagdag pa niya.
Tumipa si Blair ng 11 points at na-outshoot ni James Anthony Farr na kumamada ng 23 points at 20 rebounds. Pinalitan ni Blair si Jameel Melcoy na pinauwi dahil hindi impresibo ang laro.
Dikit ang laban at kinuha ng Blackwater ang panalo sa extra five minutes sa kabayanihan ni Sumang na tumapos na may 19 points, 3 rebounds at 6 assists, at itinanghal na ‘Best Player of the Game’. Hindi napigilan si Sumang sa kanyang scoring rampage sa kabila ng mahigpit na pagbabantay nina Jio Jalalon at Paul Lee.
“Ginawa ko ang lahat ang aking magagawa para manalo ang team namin. Masaya ako at hindi kami nabigo,” wika ni Sumang. CLYDE MARIANO
Iskor:
Blackwater (104) – Sumang 19, Digregorio 15, Maliksi 14, Blair 14, Parks 11, Belo 9, Al-Hussaini 9, Alolino 5, Cortez 4, Sena 4, Banal 0.
Magnolia (99) – Lee 25, Farr 23, Jalalon 14, Barroca 13, Brondial 6, Sangalang 4, Dela Rosa 4, Melton 3, Pingris 3, Herndon 2, Pascual 2, Simon 0.
QS: 23-23, 39-43, 61-61, 84-84, 104-99
Comments are closed.