HPG PERSONNEL SA EDSA DINAGDAGAN

HPG

CAMP CRAME – UPANG matiyak na ligtas ang motorista laban sa pagnanakaw at maging sa riding criminals, dinagdagan ng Highway Patrol Groups (HPG) ang kanilang personnel sa EDSA.

Sa pahayag ni PNP-HPG Director, BGen. Eliseo Cruz, na mayroong ng 62 HPG members ang idaragdag sa EDSA.

Bagaman trapiko ang numero unong problema, minsan ay nagkakaroon din ng krimen sa EDSA gaya na lamang ng pagpaslang sa dalawa katao noong Pebrero sa  panulukan ng Reliance Street sa Mandaluyong City.

Dahil sa presensiya ng HPG sa EDSA ay bahagyang ­maaalerto ang masasamang loob na magsagawa ng krimen sa kalsada.

Samantala, mayroon ding 20 patrol cars at 36 motorcycles ang magpapatrolya sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. EUNICE C.

Comments are closed.