QUEZON– TULUYAN nang gumaling ang kahuli-hulihang pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Real sa lalawigang ito.
Ayon kay Real Mayor Diana Abigail Aquino, nakarekober na ang 84-anyos na pasyente mula sa Barangay Ungos sa naturang bayan.
Sinabi ni Aquino, negatibo na ang nasabing pasyente sa isinagawang reverse PCR testing.
Sa ngayon, tiniyak din ng alkalde na kasalukuyan pang naka-home quarantine ang lahat ng mga nakarekober na pasyente sa lugar habang mas mahigpit pa rin namang ipinatutupad ang minimum standard health protocols sa Real, Quezon. DWIZ 882
Comments are closed.