SOUTH COTABATO-AGARANG hustisya ang sigaw ng kaanak sa pagpaslang sa alkade ng Sto. Niño.
Sa ulat ng Police Regional Office 12 alas- 7:55 ng umaga nang pagbabarilin si Mayor Pablo Matinong sa Purok Libertad, Brgy. Poblacion.
Binibisita ng biktima ang kanyang infrastructure project sa lugar ng pagbabarilin ng mga suspek.
Naisugod pa ito sa Doctor Luntao Clinic and Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen para matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaslang. VERLIN RUIZ
Comments are closed.