PINAYUHAN kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez ang mga botante na huwag magbenta ng kanilang boto.
Sa kanyang social media account, may dalawang linggo na lamang, bago sumapit ang National and Local Elections sa bansa na idaraos sa Mayo 13, konsensiya ang dapat na gamitin ng mga botante sa pagboto.
Hindi rin sila dapat tumanggap ng salapi mula sa mga kandidato.
“With respect to everyone giving different advice: Do *Not * take money, in all cases, vote according to your conscience. #VoterEd #NLE2019,” ani Jimenez, sa kanyang Twitter account.
Nauna rito, nakatanggap si Jimenez ng mga sumbong na ilang kandidato ang ngayon pa lang ay ‘namimili’ na umano ng boto.
Hinikayat din naman ni Jimenez ang publiko na may mga ganitong impormasyon na kaagad na mag-report sa local offices ng Comelec sa kanilang lugar para sa kaukulang aksiyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.