LAGUNA – ARESTADO ng pinagsanib na Provincial Intelligence Branch (PIB), Drug Enforcement Unit (DEU), PDEA 4A at Lumban-PNP ang itinuturong High Value Individual (HVI) sa buy bust operation sa Brgy. Maytalang Uno noong Martes ng madaling araw.
Ayon sa ulat ni PIB Chief PMaj. Ryan Jay Orapa kay Acting Laguna-PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang naaresto na si Romeo Flores, alyas “Banong”, 39-anyos, may asawa, naninirahan sa nasabing lugar.
Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na napabibilang umano sa miyembro ng Manambit Drug Group ang suspek.
Bandang ala-1:30 ng madaling araw ayon sa report ng magkasa ng Anti-Illegal Drugs Operation si Orapa at kanyang mga tauhan sa lugar habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang P1,200 na buy bust money kasunod ang pag-aresto.
Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng umaabot sa mahigit na 6 na gramo ng shabu na may P41,000 street value.
Kasalukuyang nakapiit sa Lumban-PNP lock up cell ang suspek kung saan nahaharap sa paglabag sa kasong RA-9165. DICK GARAY
Comments are closed.