HYDRO SWIMMERS KAMPEON SA TAGBILARAN SWIMFEST

PH swimmers

ITINANGHAL na overall champion ang Hydro Immersion Swimming Team sa Tagbilaran 2023 Swim Fest kamakailan sa Victoriano B. Tirol Aquatic Center sa Tag- bilaran City, Bohol.

Nakamit ng Hydro ang pangunguna sa Class A, B at C para makumpleto ang dominasyon sa torneo na isinagawa ng Tagbilaran Whales Swimming Inc. sa pakikipagtulungan ng Swim League Philippines (SLP) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tagbilaran at pagtataguyod ng Solid Swimming Coaches Association of the Philippines (SSCAP) at Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association.

Pumangalawa sa team standings ang Cebu Blue Marlins Swim team kasunod ang Tagbilaran Swim Club, habang bahagi ng Top 7 ang Bohol Splashers, Bohol Island Sea Hunters, Bohol Black Marlins at Loon Dolphins Swim Team.

“Punom-puno ng tuwa at pasasalamat ang aming puso sa malugod na pagtanggap ng ating mga batang swimmers sa ating torneo.

Umabot sa mahigit 300 atleta ang nakiisa at tunay na inspirasyon sa kabataan ang presensiya ng swimming legend na si Master Ebyong,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta patungkol sa 73-anyos na international veteran at tinaguriang Bohol Swimming Gem na si Eusebio “Master Ebyong” R. Dequiña Jr.

Kasama ni Ancheta sina dating Tagbilaran City Mayor Baba Yap, Tagbilaran Whales Swimming Club President, Engr. Jerome John Gabin sa pagkakaloob ng parangal sa dating Asian Games campaigner at beteranong swimming coach.

Itinanghal namang Most Valuable Swimmers na may nakamit na pinakamataas na FINA points sina Vittorio Gallito, Tristan Cortez, Victoriano Martin Tirol III, Em-ji Mata, Victoria Rosales, Kate Dequina,
Rhyn Porras, at Kylie Yumul.

Naging Most Outstanding Swimmers naman sa Category A Boys sina Kurt Zeus Jimenez (6-undr), Anton Tuto Traba- jo (7-8), Luke Capone (9-10), Tristan Cortez (13-14), Eziquel Maut (15- 16), Quintin Sabalande at Victoriano Martin Tirol IV (17-over).

Pinarangalan namang MOS sa Girls Class A sina Kylie Danielle Yumul (7-8), Julia Celestine Origi- nes (9-10), Raziel Pearl Villas (11- 12), Bobyn Simone Wachter (13-14), Hera Eisha Flores (15-16) at Antho- nie Kate Dequina (17-over).

Nanguna sa Boys Class B sina Levi Matteo Trabajo (6-under), Cris- tiano Amaga (7-8), Rylee Tejano (9-10), Jobim Pialago (11-12), Bryle Villahermosa, Ace Carlisle Castillon at Prince Ragua (13-14), Zyann Quijada (15-16) at Jobert Indaya (17-un- der), habang MOS sa Girls Class B sina Nakiesha George Reyes (7-8), Aleisha Olaivar (9-10), Olea Kate Valencia (11-12), Jomeril Dwin Flo- res (13-14), Julian Alessandra Bongo at Daniece Tumanda (15-16) at Ree- see Kurstein Navarro (17-over).

Nangibabaw naman sa Boys Class C sina Levi Matteo Trabajo (6-under), Khyle Villahermosa (7- 8), Clintbryle Pena (9-10), Dave Kendrick Andersen (11-12), Jehan Luke Oquiana (13-14), Jhon Devon Ortega (15-16), at Adrian Jake Azucenas (17-over), habang nanguna sa Girls Class C sina Nakiesha Reyes (7-8), Kristelle Perater (9-10), Blake Arianne Bagares (11-12), Savanna Arcayan (13-14), Juliana Alivia at Venice Herbias (15-16) at Aimee Joy Cobrador (17-over).

Bumida bilang MOS sa Boys Class D sina Bryan Gadiel Bag-Ao (6-under), Brayden Gregg Bag-Ao (7-8), Ethan Maglinao (9-10), Justine Alexis Tan (11-12), Saijan Inson (13-14), Dirk Traya (15-16) at Jan Nino Rosales (17-over), samantalang MOS sa Girlds Class D sina Lilibeth Tan (6-under), Meiko Cefe (7-8), Brynn Simone Wachter (9-10), Phoebe Diolan (11-12), Ruth Cam- pomanes (13-14), Jhan Jaidah Alivia (15-16) at Erika Salera (17-under).

-EDWIN ROLLON