NANGANGANIB na tumamlay o tuluyang mamatay ang industriya ng pagtitinapay sa bansa bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap gaya ng trigo.
Ito ang inamin ni Philippine Federation of Bakers Vice President Chito Chavez sa gitna ng ikinakasang P3 hanggang P4 dagdag sa presyo ng tinapay.
Ayon kay Chavez, kung hindi tataasan ang presyo lalo ng pandesal, tiyak na maraming malulugi o magsasara, partikular ang mga maliliit na panaderya.
Bagaman maaari aniyang liitan o tipirin ang pandesal, mababawasan naman ito ng kalidad.
Umaapela naman ng pang-unawa si Chavez sa gobyerno, lalo sa Department of Trade and Industry, at sa publiko, sa kanilang ipatutupad na dagdag-presyo.
– DWIZ 882