(Ibinabala ng BFAR) RED TIDE SA 7 LUGAR

BFAR-RED TIDE

PITONG lugar sa bansa ang positibo sa paralytic shellfish poison na lagpas sa regulatory limit.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na magmumula sa coastal waters ng Calubian sa Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur,

Balite Bay sa Davao Oriental, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental, at coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at lutuing mabuti. Kailangan din na tanggalin ang mga lamang loob at kaliskis.

Ligtas naman sa red tide ang baybaying dagat sa Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte.

4 thoughts on “(Ibinabala ng BFAR) RED TIDE SA 7 LUGAR”

Comments are closed.