INAASAHAN ang pagsipa ng presyo ng mga imported na karne sa gitna ng bumabagsak na halaga ng piso kontra dolyar.
Ang local currency ay patuloy sa paghina dahil sa pagtaas ng interest rate sa Amerika.
Nitong Biyernes ay sumadsad ang piso sa panibagong all-time low na P58.5:$1 mula sa P58.49:$1 noong Huwebes.
“For the past months talagang mas mababa ‘yung imported price, so kung tumaas man ‘yan ay papantay lang sa local price ang imported kasim na nasa P240, ang local umaabot ng P270, so pag umabot ‘yan ng P300 tutumal na naman ang local,” wika ni Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) president Rosendo So.
Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), sa kasalukuyan ay nasa P280 ang presyo ng kada kilo ng kasim, habang P370 naman sa liempo.
Una nang iniulat ng DA na tumaas ng P10 ang presyo ng kada kilo ng manok.