MARAMING iconic scenes ng Korean drama na “Descendants of the Sun” ang inaabangan ng mga netizens gabi-gabi sa local adaptation nito ng GMA Network. Last week ay inabangan iyong iconic scarf scene nang muling magkita ang characters nina Capt. Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn Mercado), nang pareho silang na-deploy sa Urdan camp ng mga rebelde. Hindi nila in-expect na doon pa sila muling magkikita.
Last Monday evening ang tinutukan ng mga netizens ay ang pagpunta nila sa isang lugar na may barkong na-shipwreck. Ang hashtag ng episode ay #DOTSPHShipwreckPromise, na ang tanong ano ang promise ni Lucas kay Maxine?
Ang said scene ay kinunan sa napakagandang lugar sa Batangas, ang Fortune Islands. Sabi ni Lucas, ang mga pumupunta raw doon, kapag kumuha ng bato, tiyak na babalik sila muli roon. At ang gusto ni Lucas, kapag bumalik sila roon, sila nang dalawa. Matupad kaya iyon dahil tumanggi si Maxine? Ang said scene ay kinunan ng original version sa Greece. Kaya ang tanong noong inihahanda pa lamang ang DOTSPH, kung saan daw sa abroad kukunan ang scene, hindi na pala kailangan mag-abroad, dahil mayroon palang magandang lugar dito sa atin na puwedeng gamiting location.
Kaya ang mga netizens hindi nakalimot magbigay ng comments sa napanood nila.
Sabi ni L @myungsooooo Ang ganda ng location. Galing naman ng researcher sa locations. May ganito pala sa atin? Di na kailangang mag-shoot sa ibang bansa kasi meron naman pala dito sa atin. @gilbert_sedigo In this kind of Teleserye, we can promote the beauty of our dear country. Good job @GMADrama. @ian_jomar Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya naman talaga ng GMA Drama ‘yan. Kaya nga dapat mas tinatangkilik ang mga teleserye ng GMA dahil puwedeng ipangtapat sa ibang bansa. LEE @supermochiii The cinematography! The color grading! The shots! The view! Shot in the Philippines ‘yan!!!
Ang “Descendants of the Sun Ph” ay dinidirek ni Dominic Zapata at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng romantic-comedy series na “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.”
NORA AUNOR KEBER KUNG NASA AFTERNOON PRIME ANG SERYE
NAGSIMULA nang mapanood ang GMA Afternoon Prime drama series na “Bilangin ang Bituin sa Langit” last Monday, February 24, may mga netizens na nagsabing mabuti raw tinanggap ni Superstar Nora Aunor na sa hapon ipalabas ang kanyang teleserye. Dalawa na ang nagawang serye ni Ate Guy, ang “Little Nanay” at “Onanay” pero parehong nasa primetime ito.
Wala raw problema iyon kay Ate Guy, ang natuwa siya ay iri-remake ang kanyang pelikulang ipinalabas pa noong 1989, na isang blockbuster movie ng Regal Films. Ang medyo nag-alala ang production ay kung tatanggapin niya ang role na ibibigay sa kanya. Sa original kasi ginampanan niya ang role nina Magnolia at Maggie na ginagampanan ngayon nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara. Role ni Cedes na dating ginampanan ni Perla Bautista ang ibinigay sa kanya.
“Alam ko ang story at ang character ni Cedes,” sabi ni Guy. “Ang mahalaga may aral na mapupulot sa aming serye ang mga manonood.”
Ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” ay napapanood after ng “Prima Donnas.”