IGINIIT ng dalawang Metro Manila lawmakers na muling mamahagi ng tulong pinansiyal ang pamahalaan, lalo na sa mga pamilyang apektado ang paghahanapbuhay dahil sa ipinatutupad na ‘granular lockdown’ at umiiral na pandemya, habang pinaiigting nito ang COVID-19 vaccination program.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo, hindi magiging epektibo ang anumang lockdown kung hindi naman matutulungan ng gobyerno ang mga pamilya, negosyante, manggagawa at maging ang local government units (LGUs) na lilimitahan ang kilos o operasyon sa kani-kanilang lugar.
“Kailangan ay hindi sila mangambang magugutom sila, habang sumusunod sa health protocols na ipapataw ng gobyerno. For workers — especially no work no pay workers — to comply with the stay at home policy, they need to be assured of a source of income for basic needs especially food,” anang mambabatas.
“Firms, including providers of public transportation, need subsidies to test their workers and comply with minimum health standards. Barangays need additional resources if they are expected to implement lockdowns. These include resources for ayuda for families including food packs and addi-tional police personnel to help monitor the borders and movement of people,” dagdag pa niya.
Bunsod nito, umapela si Quimbo na masertipikahan bilang urgent measure ang iniakda niyang Bayanihan 3 bill, na naglalayong maglaan ng P420 bilyon kung saan kukunin ang pondo para sa pagkakaloob ng ikatlong bahagi ng cash assistance, gayundin ang pautang sa business at tourism sectors at iba pa.
“For as long as we haven’t rolled out the vaccine to our target 70% population, businesses will be struggling, and unemployment will continue to be the reality for many. Bayanihan 2 only provided for P6 billion ayuda and that’s been released. Kulang ang ayuda na naibigay, so we need a Bayanihan 3.” mariing pahayag ng Marikina City congresswoman.
Binigyan-diin naman ni former Speaker at 1st Dist. Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na responsibilidad ng pamahalaan na ibangon o matulungan ang mga nasadlak ang kabuhayan dulot ng pandemya.
Kaya muli niyang ipinanawagan na maaksiyunan ng House leadership ang inihain niyang House Bill No. 5897 o ang 10K Ayuda Bill, na naglalayong bigyan ng P10,000 ang nasa 20 milyong pamilyang Filipino na apektado ng nararanasang national health crisis.
“Kung titingnan mo lahat, maraming not in our control, katulad nung bagong variation. Pero ‘yung pananalapi ng ating bansa, at ‘yung kalagayan ng ating kababayan, we are not only responsible for that, we are in a position to help dahil may pera naman ang gobyerno. So, itong P10,000 kada pamilya ay itinutulak namin at hinihingi namin sa Kongreso na aksiyunan na ito,” sabi ni Cayetano. ROMER R. BUTUYAN
689502 113240Slide small cooking pot within the cable to make it easier for you to link the other big wooden bead for the conclude with the cord. 83444
41558 650870The most effective and clear News is really much imptortant to us. 200163