(Iginiit sa Senado) LIBRENG ENTRANCE EXAM SA KOLEHIYO

HINIMOK ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang kanyang mga kapwa senador na ipasa ang panukalang batas na nag-aalis sa entrance exam fees sa kolehiyo.

“Some entrance exam fees are equivalent to minimum day’s wage that taking the former will mean meals foregone. No family should starve for a day because food money has been traded for examination fee,” ani Escudero.

“For the poor, this is not a free ride for the whole college experience. It does not swing the school portals open. It merely allows them a foot on the door,” dagdag pa niya.

Ang Senate Bill No. 2441 ay kabilang sa mga inisponsor niya noong Setyembre 19 bilang chairman ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education. Giit ng senador, ang panukalang “Free College Entrance Act” ay magbibigay-daan sa libo-libong “poor yet deserving students” para makakuha ng degree sa kolehiyo at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Sa ilalim ng panukalang batas, para maging kwalipikado sa libreng entrance exam, ang mag-aaral ay dapat na (a) isang natural-born Filipino citizen; (b) nabibilang sa nangungunang 10% ng kanyang graduating class; (c) nabibilang sa below the poverty threshold na tinukoy ng National Economic and Development Authority.

LIZA SORIANO