HANGZHOU — Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Southeast Asian Games rival Thailand sa men’s basketball competition ng 19th Asian Games ngayong Huwebes dito.
Nakatakda ang laro sa alas-11 ng umaga (Manila time) sa Zhejiang University Zijingang Gymnasium, kung saan sasandal ang mga Pinoy sa momentum ng kanilang 89-61 opening victory laban sa Bahrain at kay dating PBA import Wayne Chism sa Hangzhou Olympic Sports Center Gymnasium noong nakaraang Martes.
Sisikapin naman ng Thailand, sa pangunguna ni ex-UCLA Bruin Tyler, na makabawi mula sa 97-63 pagkatalo sa Jordan at kay TNT Giga import Rondae Hollis-Jefferson noong Martes.
Si Hollis-Jefferson, na muling makakasama ng TNT para sa 2023-2024 PBA season pagkatapos ng Asian Games, ay naglaro ng 30:06 minutes kontra Thais, umiskor ng 20 points sa 6 of 15 mula sa floor na may 7 rebounds, 2 assists at 3 steals.
Si Gilas head coach Tim Cone ay nagsalita hinggil sa video ng Jordan-Thailand game bago pa man siya lumabas ng court matapos ang kanilang laro kontra Bahrain.
“We need to break down their game,” sabi Cone. “We saw them [Thais] in the Southeast Asian Games, but we’re not matched up against them. They were knocked out by Cambodia. So we hope we’ll have a better feel of Thailand than we did. We gotta ‘cause Thailand’s a much stronger team than Bahrain.”
Ang Philippines ay nanalo ng men’s basketball gold medal sa SEA Games, makaraang gapiin ang host Cambodia sa finals
Tulad sa bisperas ng kanilang laro kontra Bahrain, pinangunahan ni Cone ang film viewing ng Thailand-Jordan game na may spliced clips ng top players ng Thais bukod kay Lamb, na 3 of 14 mula sa field, kabilang ang 2 of 10 sa arc. Ang kanyang 2 rebounds ay kabilang sa pinakamababa para sa koponan.
Nagtala si 5-foot-8 guard Frederick Lish ng 13 points sa 6 of 19 mula sa field subalit malamig sa labas, na 1 of 9 lamang sa treys.
Inaasahang tututok ang depensa ng Gilas sa iba pang licensed perimeter shooters ng Thailand tulad nina Nattakarn Muangboon, na 3 of 7 sa triples, Jakongmee Morgan (7 pts), Naratip Boonserm (6) at Nakom Jaisanuk, na kumana ng tig-3 tres o higit pa laban sa Jordan.
Ayon kay Cone, ang pagbutihin pa ang paglalaro ang unang nasa isip ng Gilas.
“We gotta go up the level, we gotta continue to rise in our game ‘cause we’re gonna play a tougher opponent each time out,” aniya.
“I mean, from Bahrain to Thailand to Jordan, and perhaps to the next round, whether it be Korea or Japan or whoever, and hopefully to the semis, maybe to the finals, we gotta continue to lift the level of our game, that’s important.”
Matapos ang Thailand, susunod na makakaharap ng Gilas ang Jordan sa September 30 sa alas-5:30 ng hapon.
“Jordan is a much, much, much better team than Thailand,” sabi ni Cone nang tanungin hinggil sa preliminary round opponents ng Gilas.
CLYDE MARIANO