NAIPOSTE ni LeBron James ang ikalawang sunod na triple-double upang maabot ang 99 para sa kanyang career at tulungan ang Los Angeles Lakers na maitakas ang 137-121 panalo kontra bisitang Minnesota Timberwolves.
Pinangunahan nina James at Montrezl Harrell ang anim na players sa double figures na may tig-25 points at nakumpleto ng Lakers ang back-to-back sweep matapos na dispatsahin ang Golden State Warriors, 128-97, sa San Francisco noong Lunes.
Nagbida sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards para sa Timberwolves na may game highs na 29 points.
Nasundan ni James, na may tatlong triple-doubles lamang sa kanyang unang 37 games ngayong season, ang 22-point, 10-rebound, 11-assist effort noong Lunes na may 25 points, 12 rebounds at 12 assists.
MIAMI 113,
CAVALIERS 98
Kumamada si Jimmy Butler ng 28 points, season-high-tying 12 rebounds, 4 assists at 2 steals upang bitbitin ang host Miami Heat sa 113-98 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang ika-7 sunod na laro ni Butler na may hindi bababa sa 27 points. Nakakuha ang Heat, naitala ang ika-5 sunod na panalo at umangat sa 11-1 sa kanilang nakalipas na 12 games, ng 17 points kay Kelly Olynyk at 15 kay Tyler Herro.
Sa kanyang pagbabalik mula sa 4-game absence dahil sa knee injury ay gumawa si Bam Adebayo ng 14 points, kumalawit ng 9 rebounds at nagbigay ng 6 assists sa loob ng 30 minuto.
BULLS 123,
THUNDER 102
Kumana si Zach LaVine ng 40 points at nagdagdag si Lauri Markkanen ng 22 upang pangunahan ang host Chicago Bulls sa 123-102 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.
Naiposte ng Bulls ang ikalawang sunod na panalo upang umangat sa 2-2 sa five-game homestand, na matatapos sa Miyerkoles laban sa San Antonio.
HAWKS 119,
ROCKETS 107
Umiskor si Danilo Gallinari ng team-high 29 points, at nagpakawala siya at si Atlanta teammate Tony Snell ng tig-limang 3-pointers upang pangunahan ang bisitang Hawks sa 119-107 panalo kontra Houston Rockets.
Napantayan ng Rockets ang franchise record sa kanilang ika-17 sunod na pagkabigo.
Tumapos si Gallinari na 5 of 8 mula sa 3-point area habang nagtala si Snell ng 5 of 7 tungo sa 15 points. Nagdagdag si Kevin Huerter ng tatlong 3-pointers at umiskor ng 16 points habang nagposte sina John Collins (20 points, 10 rebounds) at Trae Young (13 points, 14 assists) ng double-doubles para sa Hawks.
JAZZ 117,
CELTICS 109
Umiskor si Donovan Mitchell ng 21 points at nagdagdag si Jordan Clarkson ng 20 mula sa bench upang tulungan ang Utah Jazz na dispatsahin ang Boston Celtics, 117-109.
Nsgsalansan si Rudy Gobert ng 16 points, 12 rebounds at 4 blocks para sa Jazz, na winalis ang season series kontra Boston. Nag-ambag si Mike Conley ng 17 points at 5 assists.
Umiskor si Jayson Tatum ng 29 points at nagdagdag si Jaylen Brown ng 28 para sa Celtics.
Sa iba pang laro ay naungusan ng Philadelphia 76ers ang New York Knicks, 99-96.
644145 804387Thank you for your extremely very good data and feedback from you. san jose used car 617984