(Ikakasa ng gobyerno) TOTAL DEPLOYMENT BAN VS UKRAINE

Hans Leo Cacdac

INAASAHAN ang pagkakasa ng gobyer- no ng total deploy- ment ban sa Ukraine.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, ito’y sa gitna na rin ng patuloy na kaguluhan sa Ukraine makaraang lusubin ng Russia.

Sinabi ni Cacdac na posibleng sa mga susunod na araw ay mag-isyu na ng total deployment ban ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos na ring itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Ukraine na nangangahulugan ng mandatory repatriation.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na aatupagin muna nila ang mandatory repatriation sa mga Pilipinong nasa Ukraine.

Aniya, nasa 114 Pilipino na ang na-repatriate sa Ukraine mula nang mag-umpisa ang pananakop ng Russia.