NAKAHANDA ang Department of Trade and Industry (DTI) na ayudahan ang mga Pilipino na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan ng ahensiya.
Sa Palace briefing kahapon, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na namamahagi ang ahensiya ng livelihood kits na nagka-kahalaga ng P5,000 hanggang P10,000 sa isang indibidwal para makapagsimula ng kanyang sariling negosyo.
Libre, aniya, ang naturang livelihood kits at hindi utang.
“We teach the nation to fish to feed them for a lifetime,” sabi pa ni Lopez.
Ayon kay Lopez, mahigit 50,000 livelihood kits na ang naipamahagi sa buong bansa.
Bukod sa livelihood kits, ipinatutupad pa rin ng DTI ang Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program, isang zero-interest loan para tulungan ang mga negosyo na maka-survive sa gitna ng pandemya. PNA
697409 492842There is an ending. Just remember that I meant for this to be an art game. I do feel like I spent an inordinate amount of time on the much more traditional gameplay elements, which may possibly make the meaning of the game a bit unclear. Should you mess about with it though, you will discover it. 77020
161265 287813extremely good post, i certainly enjoy this fabulous web site, persist with it 6709