IKINABAHALA ng United Broilers Raisers Association ang ulat na may nasawi nang mga alagang manok sa Isabela, sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay UBRA President Attorney Bong Inciong, masamang pangitain ang nabanggit na balita dahil dapat wala pang naaapektuhang manok ang El Niño ngayong Pebrero.
Sa kabila nito, tiniyak ni Inciong na nakahanda ang mga malalaking poultry farms sa inaasahang matinding init ng panahon.
Dagdag pa ng grupo, kanilang pinagtutuunan ng pansin ang kalidad ng pagkain ng mga manok, at naghahanap na sila ng paraan upang mabawasan ang temperatura sa kulungan ng kanilang mga alaga.
DWIZ 882