USA – BAGAMAN hindi hayagan ang pagpapakita ng damdamin, may ilang Filipino ang pumabor sa impeachment ni US President Donald Trump matapos ang “yes votes” ng House of Representative sa isyung abuse of power.
Kabilang umano ang immigratrion policy na isinulong ni Trump partikular ang “American First.”
Sinasabing dahil sa immigration policy ay naapektuhan ang karamihan sa mga Filipino tungkol sa pagpetisyon ng kanilang mga magulang sa Filipinas.
Para sa ibang Pinoy, mahigpit ang proseso para manirahan sa US habang dahilan ni Trump ay pabigat lamang ang pagdami ng dayuhan sa kanilang gobyerno.
Dahil din sa polisya, naging mahirap ang paghahanap ng trabaho gayundin ang mga matatanda at mag-a-apply pa sila ng free medical na gagastusin pa ng gobyerno ng Estados Unidos.
Gayunman, marami pa ring Filipino ang naniniwala na mahirap pa ring makalusot ang impeachment ni Trump sa Senado dahil karamihan sa mga mambabatas ay kaalyado ng US President.
Payo naman ng ilang Filipino sa mga kababayan lalo na sa mga overseas Filipino worker na maging maingat sa bibitawang damdamin upang hindi makompromiso ang pananatili at trabaho nila sa Estados Unidos. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.