IMBENTARYO SA ‘DI NAGAGAMIT NA MINING ASSETS NG GOBYERNO, IKINASA NG DENR-MGB

Roy Cimatu

NAKAHANDA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na magsagawa ng “updating” ng essential mining information sa mga hindi nagagamit na mining assets ng gobyerno.

“This is in preparation for the bidding and sale of mining assets to gain revenues and help the country recover from the economic devastation of the COVID-19 pandemic,” pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Ayon kay MGB Director Wilfredo Moncano, magsasagawa na ang bureau ng updating ng mineral resources at mineral reserves data ng mga natukoy na state-owned mining assets upang matukoy ang posibilidad ng kinakaharap na mining operations.

“Some of these mining assets stopped operating in the 1980s, which means these hold mining information that is around 40 years old,” paliwanag ni Moncano.

“Data are necessary to be collated and evaluated to see if the reports of former geologists and mining engineers are compliant with the Philippine Mineral Reporting Code that is in place sometime in 2010 only.” pahayag pa ni Moncano.

Binanggit nito ang mga hindi nagagamit na mining assets tulad ng Basay Mining Corp. sa Negros Oriental na itinigil ang operasyon noong 1983 at ang Marinduque Mining and Industrial Corp. (MMIC Bagacay Mine) na niremata ng Development Bank of the Philippines at Philippine National Bank noong 1984.

Kabilang sa mga data na susuriin ang volume ng mineral resources at reserves, technical basis of estimates at methodology of estimation at ilan pa.

Sinabi pa ni Moncano, ang “updating” ng baseline information ay makapagsasaayos din sa “packaging” ng mining assets upang mapataas ang halaga nito.

“The MGB will allot some funds from its budget for the updating of data. The updating of the mining information will most likely advance first on those assets without pending legal cases like the Basay Mining Corp. and MMIC Bagacay Mine,” saad pa nito.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

3 thoughts on “IMBENTARYO SA ‘DI NAGAGAMIT NA MINING ASSETS NG GOBYERNO, IKINASA NG DENR-MGB”

Comments are closed.