MARIING pinabulaanan ng mga lider ng Mababang Kapulungan na may nilulutong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang press conference, inihayag ng mga mambabatas ang kanilang pagkadismaya sa hindi pagdalo ng Pangalawang Pangulo sa budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP) ngunit wala umano silang narinig na impeachment.
“Kung marami pala siyang sasabihin, e di dapat sinabi na nung nandito sya sa Kongreso (If she has so many things to say, she should have told it in Congress) when we could have made all people mentioned accountable. It is obviously an attempt to divert the issues that could have been properly treated in Congress during the appropriations committee hearing… It is very disheartening,” ani Tingog Partylist Rep. Jude Acidre.
Ayon naman kay 1Rider Partylist Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, ang narinig lamang na impeachment ay hindi nanggaling sa Kamara kundi kay VP Sara mismo.
“We do not hear it in Congress, I can guarantee you that,” diin ni Gutierrez.
“Very simple, Hindi po totoo yan,” ani Lanao Del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.
Nagtaka ang mga mambabatas kung bakit sila inakusahan na gustong ma-impeach ang Bise Presidente samantalang nakatuon sila na makuha ang paliwanag sa hinihinging mahigit P2-bilyon na OVP budget para sa susunod na taon.
JUNEX DORONIO