DAHIL sa kanyang kapansanan, inakala niya na hindi na niya mararating ang kanyang pangarap na makatapos ng pag-aaral at maging career woman. Gayunpaman, natupad n’ya ang mga ito sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ngayon, sa edad na 21, isa na siyang consultant sa Sutherland Global Services, isa sa mga Call Center companies sa Camarines Sur.
Si Gelli C. Zamora ay isang person with disability (PWD), at taga-Pasacao, Camarines Sur. Taong 2015, sa edad na 16, nang putulin ang kanyang kaliwang paa (hanggang taas ng tuhod), matapos siyang ma-diagnosed na may bone cancer. Labis ang kanyang kalungkutan at depression dahil rito at nangamba siyang hindi na niya maaabot ang kanyang mga pangarap. “I lost hope and almost all my aspirations in life.” Mapalad siyang nagkaroon ng benefactor na nagbigay sa kanya ng artificial leg.
Napagtanto niya, na sa kabila ng kanyang kapansanan, kailangan niyang makatapos ng pag-aaral, subalit, naging hadlang naman ang problemang pinansiyal ng pamilya kaya hindi siya makapag-aral sa kolehiyo.
Hanggang sa sinabihan siya ng isang TESDA CASIFMAS instructor kaugnay sa scholarship sa TESDA. “I was so thankful because I had been a full scholar in TESDA CASIFMAS and graduated last April 2018 with 3 courses.” Siya’y holder ng Computer Systems Servicing (CSS) NC ll, Electronic Products Assembly and Servicing NC ll, at Driving NC ll. Pagka-graduate, unang naging trabaho n’ya ay bilang Account Executive sa isang air-conditioning company sa Laguna.
Ngayon, kumikita na siya at nasusuportahan pag-aaral ng kanyang nakakabatang kapatid.
Hinihikayat ni Gelli ang lahat ng PWDs na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay. “We all have that pur-pose in life and I consider myself now as a beautiful creation of God that inspires people. Kailangang patunayan lamang ninyo sa kanila na magagawa natin ang mga kayang gawin ng isang normal na tao. Huwag matakot dahil, “fear is the biggest disability of all.”
Comments are closed.