(Inaasahan sa mga susunod na araw)SIBUYAS BAGSAK PRESYO SA P50

INAASAHANG babagsak sa P50 ang kada kilo ng sibuyas.

Ayon ito kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda dahil lahat naman, aniya, ay babalik sa normal.

Muling inihayag ni Salceda na ang mga kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.

Ang nangyari, aniya, ay predatory pricing kung saan ibinaba ang presyo ng sibuyas, pinatay ang mga lokal na magsasaka at ngayo’y may kontrol sa supply.

Una nang inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na sumirit ang presyo dahil sa kabiguan ng gobyernong mag-angkat ng sibuyas.

Samantala, mahigpit nang mino-monitor ng Department of Agriculture (DA) ang bentahan umano ng mga jumbo o malalaking imported onions.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Khristine Evangelista, wala pang report na dumating na sa bansa ang mahigit 5,000 tonelada ng imported na sibuyas.

Dahil dito, pinag-iingat ni Evangelista ang publiko sa pagbili ng mga imported na sibuyas sa merkado na maaaring smuggled at hindi dumaan sa phytosanitary inspection.

Tiniyak naman ni Assistant Secretary Rex Estoperez ang patuloy na operasyon ng inspectorate and enforcement unit ng DA para kumpiskahin ang smuggled onions.

Posibleng ngayong linggo ay dumating na sa bansa ang inangkat na sibuyas para bumaba ang presyo nito.

DWIZ 882