NAGBABADYA ang panibagong mixed movement sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinukoy ang pagtaya ng industriya base sa international trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng mula P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Inaasahan naman ang P0.40 hanggang P0.70 kada litro na rolbak sa diesel at P0.40 hanggang P0.60 kada litro sa diesel.
Sinabi naman ng Jetti Petroleum na ang presyo ng kada litro ng diesel ay inaasahang bababa ng mula P0.40 hanggang P0.50 habang ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, December 3, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.90, habang ang sa diesel ay bumaba ng P0.20, at kerosene ng P0.40.
Ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P10.45 kada litro at diesel ng P9.75 kada litro hanggang November 26, 2024.
Ang kerosene ay may net decrease naman na P1.50 kada litro. LIZA SORIANO