(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PETROLYO, LPG

PETROLYO-LPG-2

MAY inaasahang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

“Ang indikasyon po ngayon magkakaroon tayo ng rollback next week so liquid petroleum products. ‘Yan po ay gasoline, diesel, kerosene,” sabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa panayam sa Super Radyo dzBB.

Aniya, ang inaasahang rolbak sa petrolyo ay mahigit piso.

Ayon naman sa source sa oil industry, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P1.80 hanggang P2.10, habang sa gasolina ay P1.10 hanggang P1.30 kada litro.

Para sa presyo ng LPG, ang rolbak ay maaaring mahigit P5.