UMABOT sa P59.09 billion ang kabuuang foreign investments na inaprubahan sa second quarter ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito ng 27.8 percent kumpara sa P46.26 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Ang naturang investments ay pledges mula sa Board of Investments (BOI), BOI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BOI-BARMM), Clark Development Corporation (CDC), Clark International Airport Corporation (CIAC), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Walang foreign investment approvals na iniulat ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Poro Point Management Corporation (PPMC), at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Ang Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA), na pinakahuling nadagdag sa listahan ng IPAs na saklaw ng naturang report, ay wala ring inaprubahang FI sa second quarter ng 2023.
Sa kabuuang inaprubahang FI para sa second quarter ng 2023, ang Japan ang nagposte ng pinakamalaking investment commitment na nagkakahalaga ng P20.36 billion (34.4%), sumunod ang Singapore sa P17.65 billion (29.9%), at Cayman Islands sa P11.63 billion (19.7%).
Ang manufacturing industry ang tumanggap ng pinakamalaking halaga ng approved investment sa P35.07 billion o 59.3 percent ng kabuuang inaprubahang FI. Sinundan ito ng Information and Communication na may P13.92 billion o 23.6 percent share, at Administrative and Support Service Activities na may P3.33 billion o 5.6 percent share.Sa second quarter ng 2022, ang Real Estate Activities ang tumanggap ng pinakamalaking halaga ng inaprubahang FI.
Sa mga rehiyon sa bansa, ang SOCCSKSARGEN ang tumanggap ng pinakamalaking share ng pledged investment na nagkakahalaga ng P19.39 billion o 32.8 percent ng total approved FI para sa second quarter ng 2023. Sinundan ito ng was CALABARZON na may P14.64 billion (24.8%) at National Capital Region na may P3.12 billion (5.3%).
Ang kabuuang approved investments ng foreign at Filipino nationals ay umabot sa P317.23 billion, tumaas ng 218.4 percent mula sa P99.64 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ang Filipino nationals ay nag-ambag ng P258.14 billion o 81.4 percent share.
“Approved Investments of Foreign and Filipino nationals in the second quarter of 2023 were expected to generate a total of 31,218 employment,” ayon sa PSA.
“This indicates a 63.5% annual growth from the 19,094 expected employment in the same quarter of the previous year. Out of these total employment, 67.9% would be absorbed by foreign investment projects,” dagdag pa nito.